Isang Bata, Pinahanga ang Maraming Tao Dahil sa Kakayahang Magsalita ng 12 na Wika Upang Makabenta sa mga Turista




Ang pagaaral ng ibang lenguahe ay mahirap para sa ilang mga tao. Ngunit, ang isang batang lalaki na ito mula sa Cambodia ay may alam na lenguahe na hindi lamang iisa ngunit 12 na ibat-ibang lenguahe ang kaniyang naisasalita na kaniyang ginagamit sa pagkakakitaan araw araw.
Isang facebook user na nagngangalang Venus GWC ang nagbahagi ng kaniyang pagkakakilala sa 10-taon na batang nagbebenta ng mga souvenirs sa isa sa mga templo sa Siem Reap matapos siyang mag tour dito. Sa kaniyang video na iniupload, ang bata ay namimilit na humikayat ng mga turista na bumili ng mga paninda niya. 

Habang ang bata ay namimilit na makabili ang mga turista ng kaniyang paninda, sinabi nito na marunong siyang magsalita nga Cantonese, Chinese, English, Thai, Japanese, Korean, French, Spanish at iba pa. Sa kabilang banda, sinubukan ng babae ang kakayahan ng bata kung totoo ng aba ang mga sinabi nito. Sa kaniyang gulat, ang batang lalaki nga ay talang masasabing language genius. Marunong din itong magsalita ng Mandarin, German, Filipino at Malay. Sa kanilang paguusap, ang bata ay nagpapalit ng mga lenguahe para pabilibin ang babae.
Buti na lang at marooning din ang babae sa ilang lenguahe at nakapag usap sila patungkol sa ibat ibang paksa na talaga namang nagkakaintindihan sila. Tuluyan nang nakumbinsi ang babae na bumili sa mga souvenirs na binebenta ng batang lalaki matapos itong kumanta ng isang popular Chinese song na pinamagatang “We are different”.

Mula nang kumalat ang video na kaniyang iniupload, marami ang mga katanungan ang mga binabato sa kaniya ng mga netizens. Binahagi din ng babae na nagpapasalamat talaga siya at nakilala niya ang batang lalaki at naibahagi nito ang kaniyang istorya. “I feel grateful that his video gone viral, it might creates more awareness to people there are kids still struggle to live their life everyday.”
Sa ngayon, ang video clip ay mayroong 1.3 million views. Maraming mga netizens ang natuwa din sa bata dahil sa kaniyang kagalingan sa ibang lenguahe na talagang nakakabilib nga naman.


+ There are no comments

Add yours