Ito ang Paraan Kung Paano Magpalaki ng Walang Hanggan na Suplay ng Lemon sa Inyong Tahanan Gamit Lamang ang Isang Binhi o Seed
Kahit sinong indibidwal na iyong tatanungin kung nais nilang uminom ng Lemonade ay siguradong hindi magdadalawang isip na tanggapin ang iyong alok, lalong lalo na kung siya ay uhaw na uhaw na. Ang inumin na ito ay isa sa pinaka hinahanap hanap na inumin sa kusina o hapag-kainan.
Gayunpaman, alam niyo ba na posibleng magpalaki kayo nang sarili niyong lemon sa inyong tahanan, unlimited na suplay at hindi niyo na kakailanganin na bumili pa ng lemon sa mga tindahan at palengke.
Sa araw na ito, ipapakita namin sa inyo ang pamamaraan kung paano magtanim at magpalaki ng malusog na puno ng lemon sa inyong tahanan sa pamamagitan lamang ng paggamit ng isang binhi.
Hindi man ganun kaperpekto ang Lemon upang kainin hindi tulad ng mansanas, orange, mangga, at iba pa ngunit ang prutas na ito ay maaaring katasan upang maging juice at magsisilbi ito na isa sa pinakamakapangyarihan na antioxidant and detoxifying agent para sa ating katawan at kalusugan.
Binhi (seeds) ng isang buong lemon
Malusog na lupa (Healthy soil)
Katamtamang sukat ng paso
Plastic film kung saan makakahinga ang lupa at halaman
Lugar na paglalagyan kung saan may sikat ng araw
Paraan upang itanim ang binhi:
1. Ilagay ang lupa sa isang timba at haluan ito ng tubig upang ito ay maging mamasa-masa.
2. Matapos ang unang pagsasagawa, isunod na ilagay ang mamasa-masa na lupa sa loob ng container o paso. Panatilihing may isang pulgada o 1 inch na pagitan mula sa ilalim ng circular rim ng paso.
3. Kung ikaw ay tapos na sa paglagay ng lupa sa container o paso, hiwain ang lemon, maghanap ng binhi na mayroong maayos na itsura at hugis.
Alisin ang binhi mula sa laman ng lemon, at wag hahayaan na matuyo ito dahil kinakailangan na itanim ito na mamasa-masa.
4. Tusukin ang lupa upang magkaroon ng butas na 1 inch tapos itanim ang binhi sa butas na nagawa. Pagkatapos nito, takpan ang binhi ng lupa at diligan ito ng bottled-water spray.
5. Sunod, magagamit na natin ang breathable plastic sa hangarin na takpan ang container at panatilihin ang moisture at maligamgam na temperatura sa lugar kung saan natatanaw ang sikat ng araw. Kontrolin mo ang pagdidilig dahil maaaring malunod mo ang iyong tinanim na binhi.
+ There are no comments
Add yours