Alamin ang 12 na Bagay na Hindi Mo Dapat Gawin Bago Matulog
Ngayon, maraming mga tao ang nagrereklamo na hindi sila nakakakuha ng sapat na tulog at pahinga. Madalas ay sinisisi nila ang “Sistema” sa kanilang trabaho o eskwelahan. Ngunit ang hindi natin narerealize ay isa sa mga rason kung bakit tayo kulang sa tulog ay dahil sa ating nakaugaliang pamumuhay. Talagang mahalaga sa ating katawang pisikal at mental health ang magkaroon ng pahinga. Ito ay nagpapahintulot para ang ating katawan ay mag restart at mag reboot. Tinutulungan din nito ang ating katawan na makaiwas sa mga kahit anong karamdaman. Ang artikulo na ito ay makakatulong upang malaman ang 12 na habits na maaring tumulong upang magkaroon tayo ng magandang tulog.
Unang una sa listahan ay ang pagiwas sa paginom ng maraming tubig bago matulog. Alam naman natin na kapag ang katawan natin ay puno ng likido, tayo ay madalas umihi anumang oras. Dahil dito, kung kayo ay maraming ininom na tubig bago matulog, ang magiging resulta ay ang pagdalas na pagising sa gitna ng gabi para umihi. Ang pagkakaroon ng fix o scheduled na oras para sai nyong pagtulog ay mahalaga. Ayon sa mga eksperto, ang pagtulog sa ibat ibang oras kada gabi ay maglilikha ng pagkalito ng ating utak. Gumawa ng schedule upang malaman ng inyong utak kung kalian kayo matutulog bawat araw.
Dalawang oras bago kayo matulog ay kailangan umiwas na sa pagkain. Ang pagkakaroon ng punong tiyan ay maaring mapagpanatili sa inyong gising at maaring maglikha ng pagkairita. Gawin din ito upang maiwasan ang pananakit ng tiyan at bloatednness. Alam naman din natin na hindi maiiwasan ng mga tao ang pagalis ng gadgets ngunit ito pala ay mahalaga. Kailangan umiwas sa mga gadgets isang oras bago kayo matulog. Kailangan din bumili ng magandang alarm clock, alam naman natin na ang ating mga smartphones ay mayroong mga alarm clock, ngunit ang pagkakaroon ng alarm clock talaga ay mas maaring makatulong upang magkaroon ng magandang gising sa umaga.
Kailangan din mag invest sa pagkakaroon ng magandang higaan. Hindi lahat ng higaan ay kumportableng tulugan. Kung gusto ninyong magkaroon ng magandag tulog, panatilihing malinis at malambot ang inyong tulugan. Kung kayo naman ay mahilig magbasa tuwing gabi, kailangan ninyong iwasan ito ng pansamantala. Kaya naman kung alam ninyong pagod na ang inyong mga mata ay piliin lamang itong isara at tapusin na lamang ang libro kinabukasan. Matulog ng patagilid kaysa patihaya, ang pagtulog ng ganito ay maaring magbigay ng sapat na kakumportablehan sa inyong paghiga. Maari ding maglagay ng blanket sa inyong tabi. Minsan, kung tayo ay nasa kalagitnaan ng ating mga tulog ay maari tayong ginawin o mainitan. Ang pagkakaroon ng blanket sa ating tabi ay maaring sumolusyon sa inyong problema.
Kailangan din maligo o maghugas ng mukha bago matulog. Pati narin ang pagsipilyo. Kung kayo ay mahilig sa kape, maaring uminom ng kape 4 na oras bago matulog. At ang huling kailangan bago matulog ay ang pag stretch. 3 hanggang 4 na oras bago matulog ay kinakailangan mag stretch tayo.
+ There are no comments
Add yours