Alamin ang mga Natural na Paraan Upang Maalis ang Inyong mga Stretch Marks!
Lahat tayo ay gustong magkaroon ng pantay at makinis na balat. Ngunit minsan, dahil sa mga ilang natural na nangyayari sa ating katawan kagaya na lamang ng panganganak ay maari tayong magkaroon ng mga tinatawag na stretch marks. Ang mga nanay na nagsisilang ng mga sanggol ay ang kadalasang nakakaranas ng ganitong problema. Ang iba naman ay nagkakaroon ng ganito dahil sa kanilang pagbawas ng timbang.
Ang stretch marks ay kadalasan makikita sa bahagi ng tiyan, dibdib at maging sa bahagi ng ating pwet. Ang mga nanay na nanganak ay kadalasan magkakaroon ng ganito sa kanilang tiyan. Dahil sa natural na kondisyon na nangyayaring ito, karamihan sa ating ay nagnanais na mawala ang mga ganitong marka sa ating katawan. Buti na lang at may mga paraan upang mabawasan ang paglabas ng mga ganito sa ating katawan na maaring makatulong sa natural na paraan.
1. Sugar
Ang sugar ay mayroong exfoliating property. Ang pagkakaroon nito ng coarse texture ay tumutulong upang mabawasan ang mga skin cells na hindi na nagagamit at maaring makatulong mabawasan ang pagkakakita ng mga linya sa ating mga katawan. Maaring gamitin ang asukal sa pamamagitan ng paglalagay ng kutsarang dami ng asukal kasabay ng ilang patak ng lemon at almond oil. Ang naturang mixture na ito ay maaring ipahid ng direkta sa bahagi ng katawan na mayroong stretch marks.
2. Aloe Vera
Kapag tayo ay nangagamot ng mga problema sa ating balat, pinakapopular ang paggamit ng aloe vera. Ang mga stretch marks ay maaring mabawasan sa pamamagitan ng paggamit ng aloe vera. Dahil sa taglay na cooling at healing process ng aloe vera ay mapapabilis nito ang pagkawala ng stretch marks. Ang pagpahid din mismo gel ng aloe vera kasama ng five capsules ng vitamin A at E ay maaring maging epektibo.
3. Potato Juice
Ang potato juice ay nagtataglay ng mga nutrisyon gaya na lamang ng Vitamin C, B, Potassium, Iron, Calcium, Zinc, Vitamin K, at pati narin Antioxidant. Ang potato juice ay hindi kinokonsider na pinakamagandang lasa ngunit ang pagdagdag ng mga iba pang prutas at vegetables ay maaring maging alternatibo. Ang potato juice ay hindi lang nagbibigay ng nutrisyon ngunit ito rin ay nageenhansyo at nagreretaso ng ating mga skin cells. Dahil ditto, maaring gamitin ang potato juice bilang epektibong pangtanggal ng stretch marks.
4. Olive Oil
Ang olive oil ay nagtataglay ng hydration at colling effects na mabisang pang-pagaling ng mga nasirang balat. Ang olive oil ay mayroon mga nutrisyon at antioxidants na nagpapagaling ng mga ibat ibang klase ng skin conditions kabilang na ditto ang stretch marks. Maaring gumamit ng maligamgam na olive oil at ipahid ito direkta sa bahagi ng katawan. Ang maligamgam na pakiramdam ng oil ay nagbibigay sirkulasyon sa ating dugo na nakakapagpaalis ng pagkahalata ng mga stretch marks. Maaring hindi na banlawin ang parting nalagyan ng oil dahil nagsisilbing moisturizer din ito.
5. Castor Oil
Ang castor oil ay kilala sa pagtubo ng buhok, ngunit alam niyo ban a maari din itong makapagtanggal ng stretch marks? Hindi lang bawasan at pagkalahata ng stretch marks ngunit maari din itong maging benepisyal dahil maari nitong tanggalin mismo ang linya, mga wrinkles, mag paputi ng mga dark spots at pati narin mga nunal sa katawan. Pahiran lamang ng castor oil ang bahagi ng katawan pagtapos ay balutin ito ng malinis na tela. Maaring gumamit din ng heating pad para dito.
+ There are no comments
Add yours