Sundin ang Limang Tips na Ito Upang Tumibay ang Samahan ng Inyong Asawa o Partner!





Madalas man o madalang hindi maiwasan ang pag-aaway, pagdedebate at hindi pagkakaintindihan sa isang relasyon. Napaka-karaniwan nitong sitwasyon na ito. Ngunit kung sa tingin mo ay malaki na ang epekto nito sa inyong relasyon ay kinakailangan mo/ninyong sundin ang mga tips sa artikulong ito. Tiyak na malaki ang maitutulong nito sa inyo.


Basahin ang limang tips na makatutulong sa mas magpapatibay ng inyong relasyon:

1. Intindihin na lahat ng pag-aaway ay may dahilan

Kadalasan ang hindi pagkakaintindihan ay siyang pangunahing dahilan kung bakit nauuwi sa pag-aaway ang isang usapin. Kaya kailangan na intindihin ang saloobin ng bawat isa sa isang relasyon. Alamin kung ano ang hindi nagustuhan ng iyong partner at kung ano ang problema. Huwag sasabayan ng inis o galit ang iyong partner. Mainam na maging maunawain at pasensyoso para hindi lumala ang sitwasyon. 




2.Maging responsable sa papel na iyong ginagampanan

Ang mga mag-asawa na nagsasama ng mas matagal at matatag ay sila iyong mga taong hindi nagsisisihan at nagtuturuan ng pagkakamali. Alam nila na pareho silang may ginagampanang bahagi kung bakit nagsimula ang pag-aaway.

3.Tumulong kung kaya, Huwag magbilangan

Sa isang relasyon ay kailangan ng pagbibigayan at pagtanggap. Ngunit huwag bibilangin ang mga naibigay na tulong o ano man sa iyong kapartner. Dahil hindi malayong maramdaman na ikaw lamang ang laging nagbibigay at siya ay hindi. At sa sitwasyong iyon ay madalas na pagsisimulan ng pag-aaway na ikakasira ng relasyon. Kaya dapat huwag magbibilangan bagkus magbigayan ng walang alinlangan.

4.Minsan kailangan na magbago, Minsan kailangan na sumabay

Magkakaiba ang mga personalidad at prinsipyo ng mga tao sa buhay. Kaya kung minsan o madalas ay ito ang nagiging ugat ng pag-aaway. Kaya dapat sa isang relasyon ay kailangan mong sumabay sa pagkakaiba ninyo at iwasan ang mga bagay na alam mong hindi makakaganda sa sitwasyon.

5.Iwasan ang ‘The four horsemen’
Ayon sa isang marriage coach may apat na sinyales kung mag-sasama pa ang mag-asawa o maghihiwalay na. Tinatawag nya itong ‘The Four Horsemen’. Kaya kailangan na iwasan na mangyari ang mga ito o dapat huwag gagawin upang mas tumagal at tumatag ang inyong pagsasamang mag-asawa.

-Una, Criticism. Ito ang pagpansin sa mga kamalian ng iyong asawa at sa pagsabi ng hindi maganda sa kaniyang mga gawain at pagkatao.

-Pangalawa, Contempt. Ang pagsasalita sarkastiko ay hindi maganda sa pandinig na hindi nalalayong pag-ugatan ng pag-aaway.




-Pangatlo, Defensiveness. Hindi umaamin ng pagkakamali, hindi pagtanggap sa responsibilidad at laging si partner ang sinisisi.

-Pang-apat, Stonewalling. Ito iyong tuwing nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan na umaabot sa pag-aaway ay pinapapabayaan na lamang, hindi pinapansin o hindi inaayos.



Limang Tips na Ito Upang Tumibay ang Samahan ng 

Inyong Asawa o Partner

1 comment

Add yours
  1. 1
    Zenaida Bojador

    Tama po ang lahat ng tips sa pagsasama ng partner o ng mag-asawa . Kailangan sa pagsasama ang give and take hindi yung isa lang ang laging pinapaboran . Kailangan ang damayan at tiwala higit sa lahat ang pagmamahal ay dapat laging nasa bawat isa at maging sentro ng pagmamahalan na yan ang Diyos na may likha sa lahat .

+ Leave a Comment