5 Natural na Paraan at Kailangang Gawin Upang Mapanatiling Malusog ang Kalusugan





Sa usaping pangkalusugan ay napakaraming maaaring maipahayag tungkol dito. Napaka-importante nito sa bawat isa. Kung nagtataglay ka ng malusog na pangangatawan ay siyang maglalayo sa iyo sa ano mang mga sakit na maaaring marasan. Kaya ang pagkakaroon ng malusog na kalusugan ay nakadepende ito sa lifestyle ng isang tao at sa genes nito.

Minsan o madalas na napapaisip ang mga tao kung ano ba ang dapat na gawin upang mapanatiling malusog ang kalusugan. Kaya ang artikulong ito magbibigay ng kaalaman sa inyo. Patuloy lamang sa pagbasa upang malaman at madagdagan ang inyong kaalaman.

Narito ang mga halimbawa na kailangang gawin upang mapanatiling nasa maayos at malusog ang iyong kalusugan:

1.Kumain ng tama at sapat

Sa tuwing maraming gawain hindi natin namamalayan ang oras. Kaya naman ang nangyayari ay nalilipasan tayo ng gutom. Kung patuloy itong mangyayari makakasama ito sa ating kalusugan na maaaring pagmulan ng sakit. Ang nararapat na gawin ay kumain sa tamang oras, ng sapat na dami para hindi tumaba ng sobra at mga wastong pagkain na may magagandang benepisyong hatid sa kalusugan.



2. Laging Mag-ehersisyo
Hindi na bago sa ating pandinig ang magehersisyo araw-araw para maging malusog ang pangangatawan. Ngunit kahit pangkaraniwan na lang itong marinig at mabasa ay marami pa rin sa mga tao ang hindi ito nagagawa dahil kulang sa oras, hindi nabibigyan ng kapanahunan o ng kahalagahan. Sa pag-eehersisyo sa araw-araw makapagbibigay ito sa iyo ng kalakasan, kasiglahan at kagandahan ng pangangatawan. Kaya ikaw, simulan mo nang gawin ito at bigyan ng oras para mapanatiling malusog ang iyong kalusugan

3.Matulog ng Sapat

Sa panahon ngayon marami nang mga naimbentong mga gadgets. Kaya naman isa na ito sa mga dahilan kung bakit minsan o napapadalas na late na kung tayo ay matulog. Lalo na sa mga kabataan nawiwili sa paggamit ng mga ito. Ngunit kung patuloy na gawin ito ay makakasama sa ating katawan. Dahil ang kawalan ng sapat na tulog ay malaki ang posibilidad na maaaring makaranas ng mga karamdama na magsasanhi rito.

Kaya mainam na pangalagaan ang kalusugan sa pagtulog ng sapat. Ito ay makatutulong sa pagpapalakas ng katawan, makatutulong sa pagtanggal ng mga toxins sa ating katawan, at magbibigay ng kagandahan at kasiglahan ng katawan.



4. Maging malinis sa iyong katawan at kapaligiran

Ang malinis na kapaligiran ay magdudulot ng mabuti sa ating kalusugan. Sariwang hangin na malalahanghap, mga isdang sariwa at mga dagat na malinis. Ngunit kung ang kapaligiran ay mapapalibutan ng mga dumi ay maghahatid ito ng mga sakit at delikado sa ating kalusugan. Iwasan na maging marumi ang iyong kapaligiran bagkus panatilihin itong malinis.

Bukod sa pagpapanatiling malinis ang kapaligiran, nararapat rin na maging malinis sa ating katawan. Sa pamamagitan ng pagligo araw-araw, paghuhugas ng mga kamay bago kumain, pagputol at paglinis ng mga kuko sa daliri, pagsisipilyo at mga iba pang gawain sa paglilinis sa katawan ay lubos na makatutulong sa iyo sa pagpapanatili ng malusog ang kalusugan.

5.Tawanan ang problema

Sabi nila ‘Laughter is the best medicine’. Tama nga ito, dahil mapapaginhawa nito ang pakiramdam at magkakaroon pa ng magandang dulot sa ating kalusugan. Naghahatid ito ng positibong pananaw na makatutulong sa pagrerelax ng iyong kaisipan at katawan. Dahil ang madalas na pag-iisip ng mga problema ay nagsasanhi ng stress, pag-sakit ng ulo, hindi pagkatulog at nakakasama pa ito sa ating kalusugan.

Kaya kung ikaw ay may mabigat na problema sa ngayon ay magbigay ka ng oras sa iyong sarili nang makapagrelax ang iyong katawan at kaisipan. Isabay mo na ring itawa ang iyong problema para maging magaan, bumuti ang iyomng pakiramdam at mapanatiling malusog ang kalusugan.

+ There are no comments

Add yours