5 Natural Na Paraan Upang Matanggal ang Pagpapawis at Amoy ng Inyong Kili-Kili




Nahihiya ka bang lumapit sa ibang tao kapag ikaw ay nagpapawis dahil baka may body odor ka at baka maturn off sila? Ang pagpapawis ay isang normal na nangyayari sa ibang tao ngunit ang pagkakaroon na ng body odor ay ibang usapan na. Ang bawat tao ay may unique na amoy, nadedepende ito sa edad, kalusugan, at kasarian.
Alin pa ba ang kadugtong ng salitang body odor kundi ang mga deodorants na sinasabing nakakaalis nito. Pero sa ngayon halos lahat na ng deodorants ay mayroong chemical na nakakaitim naman ng ating kili-kili at maaari itong may masamang epekto sa katawan ng isang tao. Kaya naman may mga sinubukang natural na remedyo ang ilang researchers na maaaring pamalit sa deodorant. Narito ang ilan sa mga iyon.

1. Parsley
Ang kakailanganin lang ay isang teaspoon ng parsley leaves at isang basong tubig, mawawala na ang problema mong body odor. Dahil ang parsley at may anti-odor properties mula pa noon. May isang element umanong laman ito na maaaring makapag-alis ng hindi lang body odor, pati na rin ang bad breath. Maglagay lang ng parsley leaves sa tubig at pakuluan sa loob ng limang minuto at i-strain matapos, inumin na ito ng regular para sa magandang resulta.
2. Corn Starch
Kilala ang cornstarch bilang pangluto o pangbake ng pagkain pero sa kabilang banda nakakabawas rin pala ito ng pagpapawis na madalas na dahilan ng ating body odor. Ito ay may antibacterial properties na maaaring makapagpatuyo ng ating skin at mabawasan ang pawis, maaari rin itong maging pangaraw-araw na gamit na pamalit sa isang deodorant. Ang kailangan lang gawin ay lagyan ang mga parte ng katawan na pawisin na tulad ng kili-kili at hayaan ito doon sa loob ng buong araw.
3. Tea Bags 
Sa pamamagitan ng tea bags, maaari nitong panatilihing dry ang ating skin at makaiwas sa pawis. Ang kailangan lang gawin ay pakuluan ang tubig, lagyan ito ng tea bags at saka ilagay ito sa pinagliliguan mo, gawin ito ng tatlong beses sa isang lingo.

4. Apple Cider Vinegar
Mahal man ito kung titignan para sa iba pero ang apple cider vinegar ay sobrang makakatulong sa ating kalusugan, hindi lang ito nakakaiwas at alis ng ilang mga s@k!t, kundi natutulungan rin tayo nito upang mabawasan ang bakterya na maaaring tumubo sa ating katawan. Ipahid ito sa iyong kili-kili at iba pang parte ng katawan gamit ang cotton balls at maaari nang pamalit sa deodorant.
5. Baking Soda
Tulad ng isang cornstarch maganda rin pang-alis ng body odor ang baking soda dahil nababawasan rin nito ang pagpapawis at napapatay ang mga bakterya na maaring sanhi ng hindi magandang amoy ng katawan. 
Ilan lamang ito sa mga home remedies na maaaring makatulong para iwasan ang body odor. Subukan na ito dahil wala namang mawawala sa iyo. Maaari pang matulungan ka nito magkaroon ng confidence at masayahing personality sa buhay!


+ There are no comments

Add yours