6 Hindi Magandang Epekto Ng Pagkagat Ng Iyong Mga Kuko!


Sa ibang tao, kapag sila ay nakakaranas ng niyerbos o stress ay unintentional nilang kinakagat ang kanilang mga kuko. Sa iba naman ay naging mannerism na lamang nila ito. Kung akala mo na ang pagkagat ng iyong mga kuko o nail biting ay wala namang nagagawang masama sa iyong kalusugan, ikaw ay nagkakamali.
Ayon sa mga eksperto sa kalusugan, ang nail biting ay maaaring makapaglipat ng bakterya mula sa iyong kuko patungo sa iyong bibig at tiyan na makapagdudulot ng malalang gastr0intest!nal inf*ctions. Kaya habang maaga, narito ang mga dapat mong malamang hindi magandang epekto nito upang maiwasan na ang ugaling ito!
1. Nakakapagdulot ng nail def0rmities

Ang labis na pagkagat ng kuko ay maaaring makapinsala sa iyong nail matrix, ito ay ang tissue sa ilalim ng inyong kuko. Maaari itong magkaroon ng mga ridges o hindi pagkakapantay-pantay na hugis at maaaring makapagpahinto sa pagtubo ng kuko.
2. Maaaring makapagdulot ng imp*ksy0n

Dahil sa dami ng mga bagay na nahahawakan natin araw-araw ay hindi mo alam baka kung anong v!rus o bakterya ang kumapit sa iyong mga kuko. Na kapag naisubo mo ito ay papasok ang imp*ksyon sa iyong katawan. Maaari ka ring magkaroon ng paronychia, isang kondisyon na kung saan nagkakaroon ng pamumula, pamamaga, at pagkakaroon ng nana sa iyong kuko.
3. Nakakasira sa iyong ngipin

Isang karaniwang problema kung bakit nagkakaroon ng basag na ngipin ang isang tao ay dahil sa habit niyang pag-kagat ng kanyang mga kuko. Ang mga taong mahilig ngatngatin ang kanilang mga kuko ay nasa panganib na mag-crack, mag-split, o mabasag ang kanilang ngipin.
4. Nakakaapekto sa iyong tamang “bite” o pagkagat

Ang mga taong naging mannerism na ang pag ngat-ngat ng kuko ay maaaring makapagpabago sa kanilang tamang “bite” o pagkagat. Ito ay dahil ang paulit-ulit na pressure sa iyong ngipin ay nakakapagpabago sa posisyon ng iyong ngipin.
5. Maaaring makaranas ng pagkir0t ng gilagid

Ang mga pirapirasong kuko na iyong nakagat ay maaaring tumusok sa iyong gilagid at makapagdulot ng pananak!t at implamasy0n.
6. Maaaring madevelop ang teeth grinding o ang inboluntaryong pagkikiskisan ng ngipin

Ang kondisyong bruxism ay ang inboluntaryong pagkikiskisan ng ngipin. At ang habit na ito ay hindi maganda dahil nakakapagdulot ng pagkapudpod at madaling pagkasira ng ngipin.

+ There are no comments

Add yours