6 Natural na Paraan Upang Mabawasan Ang Pagkakaroon ng Wrinkles sa Mukha
Ang ating balat ay may dalawang patong: ang epidermis o ang pinakalabas na layer at ang dermis na siyang nasa ilalim ng epidermis. Ang mga wrinkles ay nangyayari sa ating mga dermis. Ang dermis natin ay gawa ng mga collagen at ibang protina ng ating katawan. Ang mga wrinkles ay parte ng natural na pagtanda ng isang tao. Habang tumatanda ang mga tao, ang kanilang balat ay nagiging manipis, tuyo at hindi na masyadong mabanat. Habang tayo ay tumatanda, maaring mabawasan ang produksyon ng ating katawan ng collagen. Ang collagen ay ang bagay na nakakapag banat at nakakapagpalambot ng ating balat. Mababang produksyon ng collagen ay resulta ng pagkakaroon ng wrinkles at laylay na balat.
Ang UV light ay nakakaapekto din sa ating katawan dahil sinisira nito ang collagen at elastin fibers ng ating balat. Ang mga fibers ay ang bumubuo ng ating connective tissue. Ang mga ito ay makikita sa ilalim ng ating balat at ang siyang tumatayong suporta ng ating balat. Ang pagkasira ng layer na ito ay makakapagpahina ng ating balat na siyang maaring maging dahilan ng paglabas ng mga wrinkles at pagbagsak ng ating balat.
Narito ang mga natural na paraan upang makaiwas sa pagkakaroon ng wrinkles
1. Pagiwas sa bisyo
Alam natin na ang bisyo ng pan1n1garilyo ay masama sa atin. Maraming rason ang pagiwas sa bisyo na ito at isa na dito ang pagkakaroon ng wrinkled na balat.
2. Paginom ng tubig araw araw
Ang paginom ng sapat na tubig araw araw ay maaring makatulong sa ating balat upang maging hydrated tayo palagi. Ito ay makakatulong upang ma moisturize ang ating katawan at maaring magtanggal ng t0x!ns.
3. Kumain ng Maraming Antioxidants
Ang pagkain ng maraing ant1oxidantsay maaring makatulong upang mapanatiling malakas ang ating mga balat na maaring makaiwas sa pagkakaroon ng mga wrinkles sa katawan.
4. Kumain ng mga Pagkain na Mayaman sa Saturated Fat
Ang pagkain ng saturated fat ay nakakapagpanatili ng ating balat na madaling bumanat at maaring makatulong upang maprotektahan tayo sa sinag ng araw. Ang mga pagkain na mayaman sa saturated fat ay gaya ng avocado, cocout oil at butter.
5. Pagkakaroon ng Sapat ng Tulog
Habang tayo ay tulog ang ating katawan ay nagprproduce ng HGH (Human Growth Hormone). Ang hormone na ito ay nakakatulong sa pagproduce ng cells particular na ang skin cells sa ating katawan. Kapag tayo ay walang masyadong tulog, ang ating katawan ay nagpapalabas ng cortisol (isa sa mga stress hormone). Ang cortisol ay nagpapabagal ng paglago ng ating mga cells na siyang nagiging resulta ng dry skin.
6. Pagkain ng Gelatin
Ang pagkain ng gelatin ay isa sa mga solusyon ng pagiwas sa pagdami ng ating wrinkles sa katawan. Ang gelatin ay nagtataglay ng collagen na siyang tumutulong sa pagalaga sa ating balat.
+ There are no comments
Add yours