6 Simpleng Paraan Upang Mapatubo Ang Iyong Kilay
Naging popular na ngayon sa mga kababaihan ang kasabihang, “kilay is life.” Ito ay marahil ang pagkakaroon ng magandang kilay ay nakakapagpaganda sa mukha ng isang babae.
Napakaraming produkto na tulad ng make-up ang maaaring mabili upang mapaganda lamang ang iyong kilay. Mayroon ding mga permanent tattoo, microblading, at kung ano-ano pang beauty procedures ang maaaring gawin upang magkaroon ka lamang ng makapal at nakahugis na kilay. Ngunit wala pa ring tatalo kung ikaw ay mayroong natural na magandang kilay.
Narito ang mga simpleng paraan upang mapatubo mo ang iyong kilay!
1. Gatas
Ang gatas ay benepisyal sa katawan, sa balat, at maging sa pagpapatubo ng iyong kilay. Ito ay dahil sa mga taglay nitong bitamina at protina. Nakakatulong itong pasiglahin ang roots ng iyong kilay. Isawsaw lamang ang cotton ball sa gatas at ipahid ito sa iyong kilay araw-araw upang tumubo.
2. Onion juice / katas ng sibuyas
Ang katas ng sibuyas ay nakakatulong sa pagpapakapal ng buhok maging ang kilay dahil sa sulfur content nito. Mag-extract lamang ng katas ng sibuyas. Isawsaw ang bulak dito at saka ipahid sa iyong kilay. Iwanan ng 10-15 minuto bago hugasan.
3. Aloe vera gel
Kung ikaw ay mahilig mag-pluck ng iyong kilay, makakatulong ang pag-aapply ng aloe vera gel dito upang mabawasan ang damage. Iapply lamang ito sa inyong kilay at iwanan ng 30 minuto bago banlawan. Nakakatulong din itong magpakintab at mapalambot ang balat na nakapaligid sa iyong kilay.
4. Egg yolk/ pula ng itlog
Kunin lamang ang pula ng itlog o egg yolk saka ito batihing mabuti. Iapply ito sa iyong kilay gamit ang cotton buds. Nakakatulong itong ienhance ang volume ng buhok sa iyong kilay.
5. Oil
Ang mga langis tulad ng coconut, castor, at olive oil ay nakakatulong magpatubo at magpakapal ng kilay. Imassage lamang ang oil sa iyong kilay bago matulog.
6. Lemon
Ang mga lemons ay nakapagandang mapagkukuhanan ng bitamina, antioxidants, at esenyal sa pagpapatibay ng buhok. Ngunit mag-ingat lamang dahil mayroon itong whitening effect. Kumuha ng isang slice ng lemon at ipang-massage ito sa iyong kilay. Ito ay isang epektibong home remedy para sa eyebrow regrowth.
+ There are no comments
Add yours