6 Uri At Ibig Sabihin Ng Mabahong Amoy Sa Katawan
Ang bawat tao ay may kanya-kanyang body odor. At maaaring matukoy kung ikaw ay mayroong dinaranas na sak!t base sa amoy ng iyong katawan. Hindi lahat ng mabahong amoy ng katawan ay dahil sa kakulangan sa hygiene. Ang iba dito ay senyales na ng isang karamdaman.
Narito at alamin kung kayo ay nakakaranas ng ganitong amoy ng katawan at kung ano ang mga ibig sabihin nito.
1. Amoy isda
Ang pangangamoy isda ng katawan ay isang problema sa metabolismo. Ito ay tinatawag na thimethylaminuria, isang kondisyon na kung saan ang katawan ay hindi makapag-break down ng compounds na matatagpuan sa mga ma-protinang pagkain. Ang resulta nito ay ang pangangamoy isda sa iyong hininga, pawis, at ihi.
2. Amoy pawis at matinding pagpapawis kahit nasa normal na temperatura
Ang pawis ay naghihikayat ng pagdami ng bakterya sa katawan na siyang nagdudulot ng mabahong amoy. Ang pangangamoy pawis at matinding pawis kahit ikaw ay nasa normal na temperatura ay isang kondisyon na tinatawag na hyperhydrosis.
3. Mapait na amoy
Ang pangangamoy ng katawan na mapait ay hindi magandang senyales dahil posibleng dulot ito ng problema sa iyong atay.
4. Amoy bulok na itlog
Kung ang iyong katawan ay hindi natutunaw ng mabuti ang pulang karne, maaaring ito ay isang senyales. Ang mga amino acid sa katawan ay nagpo-produce ng sulfur na siyang nagdudulot ng ganitong klaseng amoy.
5. Mabahong amoy
Kung ikaw ay nakakaranas ng konstipasyon, ang iyong pawis ay naglalabas ng mabahong amoy. Kapag iyong pantunaw ay hindi gumagawa na maayos, ang iyong tiyan ay naglalabas ng kemikal na kasing amoy ng iyong dumi.
6. Matamis na amoy
Ang paglalabas ng matamis na amoy ng katawan ay isang hindi magandang senyales at dapat ipagbigay alam agad sa inyong doktor. Dahil ito ay maaaring senyales na ikaw ay may diabetes at hindi dapat ipagsawalang bahala.
+ There are no comments
Add yours