7 Benepisyo Sa Katawan Ng Paglalakad (Walking) Araw-araw


Ang walking  o paglalakad ay isang napakasimpleng uri ng exercise. Maaaring ito man ay paglalakad papunta sa iyong eskwelahan o trabaho, pag-akyat at pagbaba sa hagdanan, o pag-iistroll sa park. Sa katunayan, ang 15-30 minute brisk walk o paglalakad araw-araw ay may malaking positibong epekto na sa overall health ng isang tao. 
Bukod sa kalusugan ay nakakapagimprove din ito ng stamina ng katawan at nakakatulong magpatagtag ng taba. Narito ang mga benepisyo ng paglalakad araw-araw at mga rason kung bakit dapat mo na ito palaging ginagawa. 
1. Pang-iwas sa sak!t sa puso

Ang paglalakad ay nakakatulong upang mapatatag ang puso at upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga heart dise*ses. Ang simpleng activity na ito ay nakakatulong sa pagpapababa ng high blood pressure at pinapaganda ang sirkulasyon ng dugo sa katawan.
2. Pinapatibay ang baga

Bilang isang uri ng aerobic exercise, nakakatulong ito sa pag-increase ng oxygen flow sa dugo at iniimprove ang kondisyon ng iyong lungs sa pamamagitan ng deep breathing.
3. Iniimprove ang pagtunaw o digestion

Nakakatulong ang paglalakad upang matagtag ang kinain at maiwasan ang konstipasyon. Isinasaayos din nito ang paraan ng pagdudumi.

4. Pinapatibay ang mga buto at joints

Ang mga taong naglalakad araw-araw ay mayroong mas matibay na mga buto at joints. Dahil araw-araw na na-eehersisyo ang kanilang katawan. Ang paglalakad ay nakakatulong upang maiwasan ang loss of bone mass, stiffness, at implamasyon.
5. Panlunas sa back pain

Ito ay isang low-impact activity na hindi magdudulot sa iyong ng pain at discomfort. Sa katunayan, nakakatulong rin ito na iimprove ang iyong posture at flexibility na benepisyal sa iyong spine.
6. Hinuhubog ang mga kalamnan/ toned muscles

Dahil nga hindi naman kinakailangan ng matinding effort sa paglalakad, nakakatulong ito sa paghubog ng ating mga kalamnan o muscles partikular na ang mga muscles sa iyong binti at legs.
7. Pinapakalma ang isipan

Nakakatulong ang paglalakad upang pakalmahin ang isipan lalo na’t kung mayroong kang kaibigang kasamang naglalakad. Bukod dito ay iniimprove din nito ang overall mental health upang maiwasan ang pagkakaroon ng maagang senyales ng dementia at Alzheimer’s.

+ There are no comments

Add yours