7 Rason Kung Bakit Mas Pinili Kang Iwan Ng Iyong Babaeng Minamahal


Aminin na natin na wala talagang perpektong relasyon. At isa sa mga rason ng hindi pagtagal at paghihiwalay ng dalawang taong magkarelasyon ay dahil hindi napupunan ng isa’t isa ang mga pangangailangan ng bawat isa. 
Maaari rin na kahit gaano ka pa kamahal ng iyong asawa o girlfriend ay mas pinili ka na lamang niyang iwan dahil sa mga rason na ito na dapat mong malaman!
1. Hindi ka niya maasahan

Ang mga babae, gusto nila na sa panahon na kailangan nila ng tulong mula sa kanilang kasintahan o asawa ay maaasahan nila ito. Dahil sino pa ba ang una niyang lalapitan upang humingi ng tulong kung hindi ikaw. Kung dito pa lamang ay hindi mo na ipinaparamdam na hindi ka niya maaasahan, ay wag ka na ring umasang hindi ka niya iiwanan sa huli.
2. Napapagod na siyang gawin ang mga bagay na gusto mo

Mahirap talagang baguhin ang totoong ikaw lalo na kung ang pagbabagong ito ay taliwas naman talaga sa iyong pagkatao. Kung nais mo lang din na  baguhin sa iyong kasintahan o asawa ang lahat ng hindi pabor sa iyo ay tiyak na mapapagod at magsasawa ito sayo.
3. Hindi niya nararamdaman na siya lamang ang babae sa buhay mo

Importante sa mga babae na maramdaman nilang sila lamang at wala ka nang ibang babae. Dahil kung hindi ka rin lang din nagiging tapat sa kanya ay tiyak na iiwanan ka na lang niya maghahanap na lamang siya ng ibang magmamahal sa kanya ng tunay.
4. Hindi mo siya pinagkakatiwalaan

Kahit sino naman mapa babae o lalaki, kung madalas na pinagsususpetyahan at hindi ka pinagkakatiwalaan ng iyong karelasyon ay magdudulot lamang ito ng iba’t ibang trust issues sa inyong relasyon at sa huli ay mauuwi sa hiwalayan.
5. Ikaw ang pinagmumulan ng mga negatibong emosyon

Ang dalawang magkarelasyon, dapat ay nagsusuportahan hindi naghihilaan pababa. Kung pinapakita mong palagi kang “nega” sa kanyang mga desisyon ay mas nanaisin na lang niyang mag-move on at alisin ka sa kanyang buhay.
6. Ikaw ay immature

Ayaw ng mga babae ang mga karelasyon na “immature” kung mag-isip. Kung parating sarili mo lang din ang iyong iniisip at wala kang paki sa kanyang mga opinyon at sinasabi ay tiyak na hindi na siya magdadalawang isip na iwan ka. 
7. Pagod na siyang kakabigay at walang natatangap sayo

Hindi ibig sabihin nito sa pisikal na bagay. Halimbawa, kung siya lamang ang nag-eeffort sa inyong relasyon at panay ka lang tanggap na wala namang ibinabalik na kapalit. Hindi nagiging patas ang inyong relasyon.

+ There are no comments

Add yours