Alam Niyo Ba ang Honeydew Melon? Ito Pala ang Healthy Benefits Nito Lalo na sa mga may Altapresyon!
Kahit saang mga pamilihan sa mga iba’t ibang bansa ay makakakita ng honey dew melon. Ito ay kapamilya ng prutas na melon. Ang kaniyang kulay dilaw na balat at berdeng laman na may halong kulay puti ay nagbibigay ng matamis na lasa at malutong kung kainin. May hugis itong pabilog na tama lamang ang laki. Maaari rin itong isama sa mga sangkap ng salad t gawing dessert, snacks, soup at shake. Subalit mas matamis ang lasa ng melon kaysa sa honey dew kaya naman ang iba ay hinahaluan ito ng asukal upang magkaroon ng unting tamis.
Ngunit bukod sa masarap na lasa nito ay may nakapagandang hatid ito sa ating kalusugan na punong puno ng nutrisyon. Kaya ipapalam naming sa inyo kung ano ang benepisyong hatid nito sa ating kalusugan.
Anim na benepisyong hatid ng honey dew melon:
1. Punong puno ito ng nutrients
Ang honeydew melon ay naglalaman ng iba’t ibang nutrisyon. At ang halaman na ito ay may pinagsamasamang katangian na maaaring may pananagutan para sa kaniyang maraming mga potensyal na mga benepisyo sa kalusugan. Sa karagdagan, ang kaniyang buto ay may nilalaman rin na makatutulong sa ating kalusugan.
2. Nakakatulong makapagpababa ng presyon
Sa kabuuan ng isang pagdiyeta na puno ng gulay at prutas ay lubos na makatutulong sa pagpapababa ng blood pressure at mailalayo pa sa pagkakaroon ng sak!t sa puso. Ang mga gulay at prutas na may mababang sodium diet at mataas na potassium ay maiimpluwensiyhan na maging regular ang ating blood pressure. Kaya ang honeydew melon na naglalaman ng mababang sodium diet at mataas na kalidad ng potassium ay matutulungang mapanatili ang kalusugan ng lebel sa blood pressure.
3. Makakapag improveng kontrol sa blood sugar level
Ang isang taong taong regular na kumakain ng prutas tulad ng honeydew melon ay malaki ang posibilidad na mailalayo sa sak!t na diabetes at sa ano mang kalapit na komplikasyon nito. Ayon na rin sa mga mananaliksik ang nilalaman ng honeydew melon ay may kakayahang mapabuti ang pagkontrol ng ating blood sugar. Subalit pag kinain ito, iwasan ang paglagay ng asukal o honey kung nais mong makaiwas sa mataas na blood sugar level.
4. Rich in Water and electrolytes
Para mapanatiling hydrated ang ating katawan ay ang unang naiisip natin ay tubig. Tama nga naman, lubos na kailangan ng ating katawan ang tubig. Ngunit hindi lamang tubig ang maaari nating inumin upang maging hydrated ang ating katawan. Dahil ang honeydew melon ay isa rin sa sagot para diyan. Ito ay naglalaman ng 90% na tubig at naglalaman ng electrolytes na kailangan rin sa ating katawan upang matulungang mapanatiling hydrated ito.
5. Para sa magandang kutis
Ang pagkain ng honeydew melon ay magdudulot ng maganda at malusog na balat dahil sa kaniyang nilalaman na mataas na bitamina C. Ang bitamina na ito ay tinutulungan ang produksyon ng collagen sa ating katawan na siyang magpapanatiling bata at malusog ang ating balat. May kakayahan rin itong maproteksyonan sa saraw an gating balat.
6. Para sa healthy eyes
Ito ay naglalaman ng dalawang uri ng antioxidants na kinakailangan ng ating mata para mapanatiling malakas ang paningin at malusog. Sa pagkain ng honeydew melon sa araw-araw mapapabuti ang paggana ng inyong mga mata at ang kalusugan nito.
+ There are no comments
Add yours