Ano nga Ba ang Sepsis? Alamin ang Dahilan at Sintomas ng Pagkakaroon Nito!




Sa isang pag-aaral, nasa 25,000 na bata ang nagkakaroon ng ganitong s@k!t at may 1.5 million na cases ng Sepsis kada tao. Pero ano nga ba ang s@k!t na ito? Ito ay nangyayari kapag meron nang impeksyon ang isang tao sa balat, lungs, urinary tract o kahit saan tulad ng pneumonia, abdominal infection, kidney infection, at bloodstream infection na maaaring makapagtrigger ng chain reaction sa buong katawan.
Ito ay nabubuo kapag ang chemical sa ating immune system ay kumakalat sa bloodstream para labanan ang impeksiyon pero sa kabilang banda hindi ito maganda dahil ito ang nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon ng inflammation o pamamaga sa katawan. At kapag lumala ang sepsis na kung tawagin ay septic shock na maaari itong maging medical emergency.
Lahat ng tao ay maaaring magkaroon ng sepsis dahil mula ito sa infection na nakukuha ng ating katawan. Mayroon itong tatlong stages: sepsis, severe sepsis at septic shock kaya naman importanteng magtungo agad sa doctor kung sakaling makaranas ng sintomas para ito ay maagapan habang maaga pa.

Ang halimbawa ng sintomas nito (Sepsis) ay:
· heart rate na mas mataas pa sa 90 beats per minute.
· Breathing rate na mas mataas pa sa 20 breaths per minute
· lagnat na umaabot hanggang 38 ºC o mas mababa pa sa 36 ºC.

Malalaman na mas lumalala ito kung nararanasan mo ang mga senyales na ito (severe sepsis):
· low platelet count
· nababawasan ang pag-ihi
· problema sa paghinga
· nawawalan ng malay
· labis na panghihina
· mabilis ang pagtibok ng puso
· kakaibang kulay ng balat
· chills dahil sa pagbaba ng body temperature

Kapag ang bagong panganak na bata naman ay nagkaroon ng blood infection sa loob ng isang buwan nila matatawag itong neonatal sepsis. Kaya naman pag may nakikita ka ng senyales ng bata na tulad ng mga ito dapat ay ipunta agad sila sa doctor upang matignan:
· Hindi nakakapagbreastfeed ng mabuti
· Lagnat
· Maputla
· Pamamaga ng abdominal
· Pagsusuka
· Diarrhea
· Seizure
· Iba ang kulay ng balat (yellowish)
Kung nagtatanong ka kung makakarecover pa ba sa s4k!t na ito, ang sagot ay depende sa kung gaano kalala ang condition na mayroon ka. Kaya naman sa oras na nagkaroon ka ng sepsis at naramdaman ang ganitong mga sintomas maiging magpatingin sa doctor para sa agarang medical attention.


+ There are no comments

Add yours