“For better or for worse”: Kasal Itinuloy sa Kabila ng Baha sa Loob ng Simbahan
Ang preparasyon sa isang wedding ay maaring nakakaoverwhelming talaga. Ang engagement ang simula ng isang whirlwind na mga pagsubok ang haharapin ng mag nobyo at nobya upang masigurado na ang araw ng kanilang kasal ay magiging maayos. Ngunit, paano kung ang mother nature ay may ibang plano, ang dalawang mag nobyo at mag nobya ay walang magagawa kung hindi harapin na lamang ito. Ngunit isang mabuting bagay para sa magnobyo na ito ay kahit na binaha na sa loob ng simbahan sa isang bayan sa Capiz ay pinagpatuloy padin nila ang kanilang pagiisang dibdib.
Ang newlywed na sina Simeon at Glory Llorente ay nagtali at nagisang dibdib sa isang simbahan sa isang barangay sa Jagnaya, Jamindan na isang bayan sa Capiz noong Sabado. Ngunit, ang baha na dulot ng bagyong Usman ay sumira ng kanilang plano.
Sa mga series ng mga larawan na binahagi ng kanilang wedding photographer na si Allin Kurasig, makikita na ang bride ay binaybay ang gutter deep nab aha para lang makalakad sa gitna ng simbahan. Ang kaniyang putting gown ay namantsahan na ng baha ngunit walang makikitang bakas ng pagaalinlangan mula sa kaniya. Inalalayaan siya ng kaniyang mga magulang habang siya ay naglalakad.
Ang mga bisita din ay nagtapakan habang nanunuod ng naturing seremonya. Upang makaiwas sa baha, ang iba ay tumungtong sa kneeler pads ng simbahan. Mayroon ding mas mataas na baha na naghihintay sa labas ng venue. Natapos ng mag asawa ang kasal na walang suot na saplot sa paa. Ang lahat ng kanilang bisita ay natuwa para sa pagiibigan nina Simeon at Glory.
Maraming mga netizens din ang nagbahagi ng kanilang komento patungkol sa mag asawa. Pinatunayan nila na ang pagmamahal ay maaring ipaglaban kahit anuman ang dumating.
+ There are no comments
Add yours