Gusto mo bang Paputiin ang nangingitim Mong Leeg? Narito Ang Ilang paraan na Makakatulong Sayo!
Nakakarinig ka ba ng mga salitang “Ayos na sana yung mukha, maitim naman yung leeg” o ikaw mismo ang nakakakita na medyo hindi pantay ang kulay ng iyong mukha sa kulay ng iyong leeg? Isa ang pisikal na itsura sa pinakaalagaan natin dahil gusto natin presentable tayo sa paningin ng iba.
Bago natin malaman ang mga bagay na puwedeng rumesolba sa ating problema, alamin muna natin ang mga dahilan nito ng sa gayon alam natin kung paano ito aayusin. Madalas itong sanhi ng hindi magandang hygiene pero para sa iba ang pagiging expose sa araw ng matagal na oras, reaction ng balat sa chemicals mula iba’t ibang produkto tulad ng cosmetics at skin care o ang obesity at diabetis, ang dahilan ng dark neck o maitim na leeg.
Narito ang ilang mga bagay upang Paputiin ang iyong leeg:
1. Oatmeal
Ang mga dead cells ay nabubuo sa tuwing hindi natin nalilinis ang ating pangangatawan. Ang oatmeal scrub ay parang skincare product dahil hindi lang ito nakakamoisturize ng ating balat kundi naalis rin nito ang dead skin cells na nagiging dahilan ng kaitiman ng leeg ng isang tao. Sa pamamagitan nito magiging pantay na ang kulay ng iyong mukha at hindi na rin magiging dry an itsura nito.
2. Yogurt
Ang yogurt ay may natural enzymes na tumutulong upang maalis ang mga itim na parte sa ating leeg at masisiguradong hindi ito nakakasira sa balat dahil naglalaman rin ito ng healthy fats na inaalagaan ang ating skin at pinapalambot ito. Haluan ang yogurt ng lemon juice at ipahid ito sa leeg at pagkatapos ng 20 minutes pwede mo na ito banlawan, gawin ito isang beses sa isang araw at maachieve mo na ang healthy at glowing skin.
3. Shea Butter
Bago matulog sa gabi, maglay muna ng shea butter o kaya naman ay cocoa butter sa iyong leeg at imasahe ito ng mga tatlo hanggang apat na minuto at hayaan itong magstay hanggang umaga. Ang shea butter ay isa sa masasabi nilang pinakanourishing at hydrating na bagay para sa leeg. Sa pamamagitan nito maipapakita ang tunay na kulay ng iyong leeg.
4. Aloe Vera Gel
Kung meron kayong aloe vera sa bahay, maaaring kunin ang katas nito at ipahid sa iyong leeg at matapos ang sampung minuto lang, maaari mo na itong banlawan. Dahil ang aloe vera ay may Aloesin na tumutulong upang paputiin ang ating balat at hindi lang iyon dahil meron rin itong vitamins at minerals na napapanatiling hydrated at nourished ang ating balat.
5. Vitamin E Oil
Bago tayo matulog dapat inuugali nating linisin ang katawan dahil sa buong araw na ating ginagawa hindi man kapansin-pansin pero may mga dumi tayong nakukuha sa ating paligid na kumakapit naman sa balat. Sa pamamagitan ng pagpahid ng Vitamin E Oil sa iyong leeg maaari nang makuha ulit ang inaasam mong maputing leeg.
Minsan mukha na lamang natin ang ating naalala at nakakaligtaan na linisan ang ating leeg kaya naman naiipon ang mga dumi o pollutants rito na nakakasira ng imahe ng ating leeg na nagreresulta ng maiitim na kulay nito. Kaya naman dapat nating isinasaisip na hindi lang mukha ang importante, pati na rin ang ibang parte ng katawan.
+ There are no comments
Add yours