Ito ang Limang Prutas na Matatagpuan sa Inyong Bakuran na Mas Healthy pa Kaysa sa mga Prutas na Nabibili at Mas Makakakuha ng Benepisyo Mula Dito!
Napakagandang manirahan sa probinsiya dahil hindi lamang sa sariwang hangin nakakapagpapalusog ng pangangatawan kundi pati na rin ang mga prutas na karaniwang makikita sa mga probinsiya. Ang mga prutas na ito ay may magandang hatid sa ating kalusugan. Kaya naman ang artikulong ito ay ibibigay ang ilang halimbawa ng mga prutas na makikita sa mga baryo o probinsiya na nagtataglay ng magagandang benepisyo.
Ang mga prutas na ito ay karaniwan rin na makikita sa mga pamilihan. Ngunit mas masarap na kainin ito kung ikaw ang mismo ang kukuha ng bungang prutas sa kaniyang puno dahil naghahatid ito ng kasiyahan sa iyong kalooban at sariwang sariwa pa ang prutas na mas makakapagbigay ng magandang benepisyo.
Narito ang limang na prutas na madalas na makita sa mga bakuran na may hatid na magandang benepisyo sa katawan:
1. Bayabas
Ang bayabas ay isang kulay na berdeng prutas na may hugis korona sa kaniyang ibabang bahagi. Naglalaman ito ng kulay puti na may kasamang maliliit na buto sa kaniyang loob. Nagtataglay ito ng Bitamina C na kailangan ng ating katawan upang malabanan at maiwasan ang allergies, ubo at sipon. Mas mataas rin ang conent ng bitamina C ng bayabas kumpara sa orange na prutas. Bukod sa nakakatulong sa pagpapalakas ng ating katawan, Lubos na makatutulong rin ito sa ating balat dahil naglalaman ito ng Bitamina A, lycopene, at carotene na siyang kailangan ng ating balat upang mas magmukhang bata.
2. Kaymito/Caimito
Ito ay isang mataas na puno na may bungang kulay berde o lila. Ang bilugang prutas nito ay may kulay puting laman at malalaking buto. Nagtataglay ito ng matamis, katamkatam at gatas na lasa. Ngunit hindi lamang dahil sa taglay na sarap ng lasa nito ito kailangan kainin. Kundi ito ay may magandang hatid sa ating kalusugan. Maari itong gamiting panggamot at ipangiwas sa mga sakit na maaaring maranasan.
Naglalaman ito ng bitamina at minerals na kinakailangan ng ating katawan. Nakatutulong ito sa mga taong may diabetes, mataas na cholesterol at lagnat. May kakayahan rin mapalakas ang paningin, katawan, at mapaganda ang ating balat.
3. Saging
Ang prutas na saging ay karaniwan makikita sa mga pamilihan at sa ating kusina. Ang pagkain ng dalawang saging sa isang araw ay tiyak na makatutulong sa inyong kalusugan. Ito ay nagtataglay ng vitamins, iron at potassium na makakatulong sa mga kulang sa dugo. Nakapagpapalusog rin ito sa ating puso, colon at tiyan.
4. Mangga
Ito rin ay isang prutas na paboritong kainin ng mga Pinoy. Mula ugat hanggang sa prutas nito ay nagtataglay ng magandang benepisyo. Ang kaniyang prutas ay naglalaman ng iron at bitamina na maganda para sa ating katawan na siyang makatutulong sa pagpapalakas nito. Nagtataglay rin ito ng antioxidants na nakatutulong upang maiwasan o malabanan ang sak!t na kans3r.
5. Atis
Ang prutas na atis ay naglalaman ng maraming buto at ang kulay buting laman nito ay may matamis na lasa. Ito may taglay na bitamina, mataas na carbs at calcium. Ito ay nakakatulong na mapalakas ang pangangatawan, mapahusay ang puso, mapababa ang high blood, at makontrol ang diabetes. May kakayahan rin itong mapalusog ang utak, balat at ating buhok.
How much