Ito ang mga Home Remedies Para sa mga Nakakaranas ng Vertigo o Matinding Pagkahilo!





Ang vertigo ay ang pagkaramdam ng hilo at pagikot ng paningin, kahit na mayroon o walang nangyayaring paggalaw. Alam mo ba kung ano ang dahilan kung bakit ka nakakaranas ng vertigo o pagkahilo? Ito ay sa kadahilan na maaaring ikaw ay kulang sa tulog o kaya naman ay problema sa inyong inner ear. 


Ang mga nakakaranas ng vertigo ay may mga sintomas na spinning, tilting, swaying na kung saan makakaranas din ng pagsuka at matinding pagpawis o panandaliang pagkawala ng pandinig.
Marami ang dahilan kung bakit nakakaranas ng vertigo ang isang tao, kaya naman ito ang ilang home remedies upang makaiwas at maibsan ang pagkahilo.



Alamin ang mga home remedies na ito dito:

1.Ginger Tea

Napagalaman na ang ugat ng luya ay maaaring makatulong upang mabawasan ang epekto ng vertigo. Ang ugat ng luya ay maaaring matunaw sa isang tasa ng tubig na kumukulo sa loob ng limang minuto. Maaaring makatulong ang honey para sa mapait na lasa nito.

Ang paginom ng gineger tea dalawang beses sa isang araw ay makakatulong sa pagkahilo, pagduduwal, at iba pang mga sintomas ng vertigo. 

2.Apple Cider Vinegar and Honey





Ang apple cider vinegar at honey ay parehong kilala para sa kanilang mga nakakagamot na katangian na nagpapagaan ng daloy ng dugo sa utak. Dalawang bahagi ng honey at isang bahagi ng honey vinegar ay maaaring makapigil at makagamot sa sintomas ng vertigo.


3. Manage Stress

Maaaring mabawasan ang kalubhaan ng vertigo at tulungan kang mas makaya ito ng mabuti kung alam mong ihandle ang stress. Ang pagkakaroon lamang ng kaalaman kung ano ang sanhi ng stress ay maaaring mabawasan ang sintomas ng vertigo.

4. Gingko Biloba

Ang gingko biloba ay isang chinese herb na kilala para sa paglutas ng mga sintomas ng vertigo. Gumagana ito sa pamamahala ng daloy ng dugo sa utak upang mapawi ang isyu sa pagkahilo at balanse.

5. Vitamin D

Ang kakulangan sa vitamin D ay maaring mapalala ang sintomas ng mga taong mayroong BPPV, ang pinakakaraniwang sanhi ng vertigo. Isang baso ng gatas o orange juice, de-latang tuna, at kahit ang pula ng itlog ay magbibigay sa iyo ng antas ng vitamin D sa katawan. 

6. Kumuha ng sapat na tulog

Ang pagkakaroon ng konting tulog ay maaaring maging dahilan kung bakit ikaw ay nakakaranas ng vertigo. Kumuha ng 8-9 na oras na sapat na tulog bawat gabi dahil ito ang solusyon upang mabawasan ang pagkahilo.

7. Hydration


Ang kakulangan sa tubig ay nagiging dahilan minsan ng pagkakaranas ng vertigo. Ang dehydration ay maaari rin maging sanhi ng presyon ng dugo upang bumagsak, na maaaring humantong sa pagkaramdam ng pagkahilo.

+ There are no comments

Add yours