Ito Pala ang Ibig Sabihin ng Pagkakaroon ng Pimples sa Iba’t Ibang Parte ng Iyong Mukha





Nadaraanan nating lahat ang mga panahon ng pagkakaroon ng mga tigyawat, blackheads, whiteheads, scars, at iba pa. Iba iba rin ang mga kadahilanan sa pagkakaroon natin ng acne sa mukha.

Narito ang isang acne chart na magagamit na gabay upang malaman kung bakit ka nagkaroon ng acne at kung paano mo ito maiiwasan.

1. Pisngi
Ang mga acne sa pisngi ay maaaring sanhi ng paggamit ng mga make-up, skin-care o kahit anong ipinapahid sa mukha na may mga comedogenic na sangkap. Maiiwasan ito sa pamamagitan ng pag- alam muna sa mga inilalagay sa mukha, lalo na sa pisngi, bago ito gamitin.

Dagdagan ang pangangalaga sa kalinisan iyong katawan. Maghilamos ng mukha kapag kinakailangan at siguraduhing malinis ang mga kamay sa tuwing hahawakan ang inyong mukha.



Konektado din ang ating pisngi sa ating baga. Iwasan ang paglanghap ng mausok o maalikabok na hangin upang maiwasan ang mga acne sa pisngi.

2. Noo

Ang mga tipikal na sanhi sa pagkakaroon ng tigyawat sa noo ay dahil sa gamit na mga shampoo. Pumili ng shampoo na hiyang sa iyo at walang sangkap na comedogenic. Banlawan ng mabuti ang buhok.

Ito ay sanhi rin ng di maayos na pagtanggal ng make- up. Piliin ng mabuti ang gagamitin na cleanser at siguraduhing malinis ang mukha mula sa dumi, oil at make-up bago matulog.

Ang noo ay konektado sa ating kakulangan sa sapat na tubig. Siguraduhing hindi madehydrate lalo na sa mga araw na ika’y abala at okupado.



3. Ilong
Ang pagkakaroon ng acne sa ilong ay karaniwang dahil sa ‘excess oil production’ sa ating mukha. Pangalagaan ang iyong balat at iwasan ang mga mamantika at maalat na pagkain. 

Tulad nang sa pisngi, kadahilanan din nito ang mga sangkap na comedogenic. Iwasan ang panggamit ng mga produktong mayroong sangkap na ganito.

Konektado and ating ilong sa ating puso kaya pangalagaan natin ito.

4. Baba
Pangalagaan ang hygiene sa mukha upang maiwasan ang mga acne sa baba. Tulad ng sa pisngi, siguraduhin ang kalinisan sa mga kamay o sa kahit ano mang kagamitan bago ito idikit sa iyong baba. 

Konektado ang ating baba sa ating kalusugan sa bituka. Tutukan ang pagkain ng masustansya upang maging malinis at healthy ang ating bituka.
Sundan ang acne chart na ito hindi lang upang mabawasan ang acne, pati na rin upang maging mas malusog ang iyong pangangatawan at balat!

+ There are no comments

Add yours