Ito Pala ang mga Dahilan Kaya Mayroon Kang Maitim na Labi! Narito ang Solusyon Para Diyan!





Ang natural na kulay rosas na mga labi ay isa sa mga ninanais ng kababaihan. Ang mga magagandang labi ay mas nagpapaganda at nagpapatingkad sa kanila. 
Ang ilang mga tao ay nagkakaroon ng mas maiitim na labi sa paglipas ng panahon dahil sa iba’t ibang mga kadahilanan.

Narito ang mga dahilan kung bakit umiitim ang iyong mga labi at pano ito iwasan:




-Sobrang pag- inom ng tsaa o kape

Bawasan ang pag inom ng tsaa o kape. Maiiwasan rin ito sa pamamagitan ng paggamit ng straw.

-Kakulangan ng proteksyon mula sa araw

Gumamit ng sunscreen o lip balm na mayroong SPF o proteksyon sa araw.

-Pagpapabaya sa pag-aalaga ng mga labi 

Alagaan ang iyong mga labi sa pamamagitan ng pag ‘exfoliate’ at paglilinis sa mga ito nang regular.




-Allergic na reaksyon ng mga labi sa mga produkto

Alamin ang iyong mga allergy at alamin kung ang mga sangkap ng mga produkto ay mayroong nilalamang ikasasama ng iyong kalagayan.

-Paggamit ng mga lipstick, kolorete, atbp. na hindi ligtas sa kalusugan

Maiging alamin ang mga nilalaman ng mga ipinapahid sa iyong labi bago ito gamitin.

-Kakulangan sa tubig

Uminom ng higit sa 8 na baso ng tubig araw- araw.



Narito naman ang mga natural na paraan upang masolusyunan ang iyong nangitim na mga labi gamit ang:

• Lemon at asukal

Hiwain ang lemon at isawsaw ito sa asukal. Kuskusin ang iyong mga labi sa asukal na may lemon. Gawin ito sa gabi at iwan ito hanggang sa pagtulog. Sa susunod na umaga, banlawan ang iyong mga labi ng maligamgam na tubig.

• Turmeric powder at gatas

Ipaghalo ang dalawang sangkap hanggang maging isang paste. Ilagay ito sa iyong mga labi. Hayaan ito sa mga labi sa loob ng limang minuto bago ito banlawan sa malamig na tubig. Pagkatapos ng pagpapatuyo ng iyong mga labi, ilapat ang iyong moisturizer.

• Langis ng niyog

Gamit ang iyong daliri, kumuha ng konting langis ng niyog at marahan na ilapat ito nang pantay sa iyong mga labi. Maaaring gawin ito ng maraming beses sa araw at bago matulog sa gabi.

Magandang pangalagaan ang mga labi pero isa ring magandang tandaan na kahit ano pa ang kulay ng mga ito, ang tunay na nagpapaganda sa atin ay ang ating mga ngiti at ating kumpyansa sa sarili.

+ There are no comments

Add yours