Iwasan Niyo na ang mga Pagkain na Ito Lalo na Kung Kayo ay May Lahing Diabetes





Isa ang diabetes sa mga sakit na maituturing na malala at seryoso na kondisyon. Kung hindi naagapan ay maaaring mabawasan ang parte ng ating katawan at ang malala at maaaring mapunta ito sa kam@t@yan. Sa katunayan, isa ang Pilipinas sa may pinakamaraming kaso ng diabetes na pumalo hanggang sa halos 4 na milyon noong 2017. 

Talagang nakakaalarma ang dami ng kaso nito kaya naman isa sa mga naging aksyon ng gobyerno ay ang taasan ang buwis sa mga inumin na may asukal. 

Para naman sa mga nag-iingat at may lahi na diabetes, ito ang ilang mga pagkain na dapat ninyong iwasan para hindi tumaas ang asukal sa inyong dugo:

1. Coffee creamers

Maraming Pinoy ang mahilig sa kape at ayon sa Harvard School of Public Health, hindi nakakaapekto ang kape sa may mga diabetes basta’t wala itong creamer o anumang asukal. Maging ang 3 in 1 na kape na paboritong paborito ng mga matatanda o kahit na bata ay hindi maganda sa kalusugan lalo na kung ikaw ay may diabetes. Subalit kung hindi mo talaga masikmura ang lasa ng purong kape, maaari pa rin namang gumamit ng mga alternatibong pampatamis gaya na lamang ng stevia, honey, vanilla at iba pa. 

2. Soft Drinks

Ang isang 12 oz na softdrink ay naglalaman ng 39 grams na asukal at ang inirerekomenda ng American Heart Association ay hindi sosobra ng 38 grams kada araw. Wala naman talagang makukuha na kahit anong sustansiya sa soft drink, sakit lamang ang maibibigay nito sa ating katawan. Kung iisipin para lamang itong likido na nilagyan ng kulay at asukal dahil sa kulay at tamis nito.





3. Fried foods

Pritong pagkain ang isa sa mga paboritong putahe ng mga Pinoy dahil sa bukod sa sakto ito sa ting panlasa ay madali din itong lutuin ngunit maaari itong maging sanhi ng iba’t ibang sakit at isa na dito ay ang diabetes. Ang trans fat na ginagamit sa pagprito ay magpalaganap ng insulin resistance.

4. White bread and Pasta

Tumutulong ang fiber upang maiwasan ang masyadong pagtaas ng blood sugar at binabawasan din nito ang insulin resistance. Ngunit sa kasamaang palad, wala nang masyadong fiber sa white bread at pasta dahil ito ay nilalagyan na nila ng mga pampaalsa o gluten na maaaring makasama sa ating kalusugan.

5. Alcoh0l

Hilig din ng mga Pinoy ang pag-inom lalo na kung may mga okasyon. Hindi naman mapanagnib ang pag-inom ngunit hangga’t maaari ay may limitasyon. Ang mga inihahalo sa al@k o ang mga chaser ang mataas sa sugar level at maaaring maging delikado lalo na kung ikaw ay diabetic. Sa halip ay uminom na lamang ng mga light beers, red wine o di kaya ay uminom ng walang chaser.




6. Breakfast cereals

Madaling gawin ang cerealbilang almusal lalo na kung ikaw ay nagmamadali sa umaga, pero hindi kasing ganda ng lasa nito ang dulot sa ating katawan. Malaki din ang carbohydrates ng cereals kaya’t mataas ito sa sugar. Sa halip ay kumain ng almusal na mataas sa protina gaya na lamang ng nilagang itlog, whole bread at greek yogurt.

7. Flavoured Yogurt

Isa ang yogurt sa mga pagkain na malaki ang maitutulong sa ating digestion ngunit ang ibang yogurt ay mataas din ang sugar level. Maaari namang gumawa ng sarili mong flavoured yogurt nugnit gumamit ng greek yogurt dahil mas masustansiya ito, lagyan ng iba’t ibang prutas at nuts upang magkaroon ng kaunting tamis ngunit hindi delikado sa katawan.

8. Dried Fruits

Mas makabubuting kumain ng sariwang prutas kaysa sa tuyo dahil mayaman pa ito sa fiber. Mas may epekto din ang dried fruits sa blood sugar kaysa sa sariwa dahil ang iba dito ay sumasailalim sa maraming preservatives.

+ There are no comments

Add yours