Nakagawa Ang Lalaking Ito Ng Isang Brick Na Gawa Sa Dumi At Polusyon Ng Hangin Matapos Mag-vacuum Sa Isang Siyudad
Talamak na talaga ang polusyon dito sa ating mundo. At isa sa mga suliranin ng ating kapaligiran ay ang air pollution o ang polusyon sa hangin na napakasama para sa ating baga at kalusugan. Ang China ay isa sa mga bansang nakapataas ang air pollution.
Narito ang itsura ng air pollution sa Beijing, China.
Ang smog at alikabok ay naging parte na ng atmosphere sa kanilang bansa kaya naman karamihan sa mga tao ay nananatili na lamang sa loob ng bahay upang hindi masaglap ang polusyong ito.
Samantala, isang 34 taong gulang na lalaki ang naglakas loob at nagtiyaga nang 4 na oras kada araw upang mag-vacuum sa mga daan sa city of Beijing, China. Hindi niya ninanais na linisin ang buong siyudad ngunit nais niyang ipakita sa mundo kung gaano na karumi ang hangin sa mundo dahil sa polusyon.
Sa loob ng 100 na araw, siya ay lalabas sa mga kalye ng Beijing na suot-suot ang jacket at face mask at may dala-dalang vacuum cleaner. Bubuksan niya ang kanyang vacuum cleaner saka ipapahigop dito ang maruming hangin at alikabok sa daan.
Ayon sa kanya, “Air in Beijing is bad all over. There’s no special supply of air.”
Nililibot niyang naglalakad ang mga kalye mula sa Beijing hutongs, Tiananmen Square, Bird’s Nest National Stadium, at headquarters of the Ministry of Environmental Protection. Matapos ng kanyang araw, ay ipopost niya ang kaniyang mga pictures sa kanyang social media account.
Sa araw-araw niyang gawaing ito, akala ng mga tao ay isa siyang air-monitoring person o street cleaner.
Nang matapos ang 100 days na kanyang ginugul sa labas ay handa na siya sa kanyang gagawing proyekto. Ang inipon niyang alikabok at dumi ay hinalo niya ito sa clay saka dinala sa isang brick factory upang itransform ito sa isang brick.
Laking gulat pa ng nalaman nila na nakagawa sila ng 100grams na brick na yari sa dumi at alikabok ng hangin.
Sa nagawa niyang ito, nais niyang imulat ang mga tao sa nangyayari sa ating kapaligiran. Balak din niyang idonate ang nagawang brick sa isang ginagawang building.
+ There are no comments
Add yours