Pinoy Nakakamanghang Lumikha Ng De-Pedal Na Washing Machine!



Iba talaga ang pagiging malikhain ng mga Pinoy. At ang nakakamangha pa ay minsan kahit patapon at basura na ang isang bagay ay nagagawan pa rin nila ng paraan upang ito ay mapakinabangan. Ito ay dahil narin siguro sa ating nakaugalian na madali tayong manghinayang sa mga bagay-bagay dahil napakamahal na ng mga bilihin ngayon.
Napakarami nang imbensyon ang nalikha ng iba’t ibang Pilipino na galing lamang sa mga patapon na bagay. At ang ilan sa mga ito ay talaga namang nakakatulong sa pang-araw araw na buhay lalo na sa mga taong kapos sa pera.
Halimbawa na lang ang nalikha ng isang lalaking ito na taga Davao City na kinilala bilang si Dandy Abdulmalik. Karamihan pa rin sa atin ngayon ay ginagamit ang kamay sa pagkukusot ng mga labada dahil hindi naman lahat ay may kakayahang makabili ng washing machine.
Ngunit sino ba naman ang mag-aakala na mapapagana ng lalaking ito ang isang washing machine gamit lamang ang pagpepedal sa bisikleta? Narito at alamin papaano niya ginawa ito!
Siguro ay pamilyar naman tayo sa ‘stationary bike,’ isang aparato na ginagamit na pangehersisyo. Ito ay nakapormang parang bisikleta ngunit hindi ito gumugulong at umaandar kundi nakapirme lamang ito sa isang posisyon. 

Ayon sa malikhaing lalaki, ang ginamit lamang niya sa kanyang imbensyon ay isang lumang bisikleta at kinonekta ito sa isang washing machine. Upang gumana ang washing machine at makapaglaba ay kailangan mong i-pedal ng i-pedal ang bisikleta upang umiikot-ikot ang iyong mga nilalabhan na tulad sa isang high tech na washing machine. 
Umani ng sari-saring komento ang nalikha ni Dandy dahil bukod sa makakapaglaba ka na ay makakapag-ehersisyo ka pa. Isipin mo na lang na kapag hindi ka nagpedal ng nagpedal ay hindi malalabhan ang iyong mga maruruming damit.
Isa itong napakagandang imbensyon dahil makakatipid ka rin sa paggamit ng kuryente lalo na’t patuloy na tumataas ang presyo ng kuryente ngayon. 

+ There are no comments

Add yours