Tennis Elbow o Lateral Epicondylitis: Sintomas at Paraan Upang Ito ay Maiwasan




Ang lateral epicondylitis ay mas kilala sa tawag na Tennis Elbow. Ito ay pamamaga ng tendon muscles ng braso hanggang sa siko dahil sa sobrang paggamit ng mga muscles na ito na parang sa mga manlalaro ng tennis.
Malalaman mong mayroon kang tennis elbow kung nakakaranas ka ng s@k!t tuwing  tinataas o inuunat at binebend mo ang iyong braso, naghahawak ka ng maliliit na bagay o tuwing iniikot mo ang iyong kamay para buksan ang pinto o garapon.

Ano nga ba ang dahilan kung bakit mo ito nararamdaman?

Sa paglalaro ng tennis hindi maiiwasang magkaroon ng paulit-ulit na maling paggalaw ng braso o ang pagtira sabola gamit ang raketa kaya naman ito ay humahantong sa pagkasira o punit ng tendon na nasa elbow natin. Hindi lang ang tennis ang posibleng dahilan ng Tennis Elbow dahil maaari rin itong makuha sa iba’t ibang aktibidad na ginagawa natin sa pang-araw araw tulad ng paggamit ng gunting, padecorate ng bahay, pagtugtog ng violin, gardening, swimming, sports na ginagamitan ng braso, paghihiwa ng matigas na pagkain at iba pang manual work pero minsan walang maliwanag na dahilan kung bakit ito nangyayari.
Ang ganitong klase ng injury ay hindi na kailangan pa ng treatment dahil minsan kusa itong gumagaling pero mayroon namang mga test na maaaring gawin ng isang taong nakakaramdam nito kahit nasa bahay lang kung gusto nyang mapabilis ang pagrecover mula sa ganitong s@k!t. 

Ibalot sa twalya ang isang malamig na bagay tulad ng yelo para magsilbing cold compress at saka ibalot ito sa iyong siko sa loob ng ilang minuto ng ilang beses sa ilang araw, sa tulong nito mas nawawala ang s4k1t, o kaya naman ay uminom ng pain killers tulad ng paracetamol at ibuprofen para mabawasan ang s@k1t at pamamaga. Mayroon rin namang mga exercise o stretches na maaaring makatulong dito tulad na lamang ng elastic bands at weights, sa paaraang ito maibabalik ang lakas ng muscle at nakakabawas ng pananakit ng injury. Isang halimbawa ng madaling exercise ay ang tinatawag nilang Tyler Twist.
Para makaiwas sa pangyayaring ito maiging pagtuonan ng pansin ang techniques sa paggalaw tuwing ikaw ay nag-eexercise. Karapat dapat lang na bago maglaro, kailangan munang mag-warm up. Nakakatulong rin ang paggamit ng lightweight tools o magaan na sports equipment tulad ng raketa na kaya mo lang hawakan para mabawasan ang pilay na maaaring makuha.


1 comment

Add yours

+ Leave a Comment