Tips Upang Maiwasan ang Sobrang Katabaan o Obesity




Ang kasobrahan sa timbang ng katawan o obesity ay isang importanteng isyu patungkol sa kalusugan na kinakaharap ng marami, hindi lamang sa ating bansa kung hindi pati na rin sa buong mundo. Ito ay dulot ng kombinasyon ng kawalan ng kontrol sa pagkain at ng hindi masyadong pagkilos sa loob ng isang araw. Ang pagiging mataba o malusog ay kadikit ng pagkakaroon ng ilang mga kar@mdaman at mga kondisyong pangkalusugan gaya ng s@k!t sa puso, diabetes, stroke, at marami pang iba. Sa madaling salita, hindi ito makabubuti sa kalusugan.
Kaugnay ng mga nabanggit na implikasyon ng pagiging sobrang bigat o obese, narito naman ang ilang mga tips o hakbang na maaaring sundin upang maiwasan na humantong sa ganitong kondisyon.

1. KUMAIN NG BALANSE AT MASUSUSTANSYA
Ang pagkakaroon ng balanseng pagkain ay malaking kabawasan sa sobrang pagtaas ng inyong timbang. Kung malalaman mismo ang tamang dami na nararapat lamang ikonsumo ng ating katawan sa isang araw, malayong magkaroon ng mga sobrang calories na siyang naiimbak sa mga parte ng ating katawan. Malaking tulong din ang pagkain ng masusustansyang prutas at gulay upang madagdagan ang mga bitamina at mineral na kinakailangan ng ating katawan. 

2. UMIWAS SA MGA PAGKAING MAAARING MAKASIRA NG TIMBANG
Ang pagkain gaya ng mga sitsirya, softdrinks at iba pang pagkaing madalas papakin ay mahirap maiwasan dahil ito ay madaling kainin. Ang mga ganitong klase ng pagkain ay may kakaunting sustansya lamang at maaaring may taglay na mga matataas na lebel ng calories na hindi kinakailangan ng ating katawan. May taglay din ang mga pagkaing ito na sobrang cholesterol, sodium, at iba pang hindi maganda sa ating katawan.
3. UGALIIN ANG REGULAR NA PAG-EEHERSISYO
Ang pinakmahusay na paraan para maiwasan ang sobrang timbang ay ang regular na pag-eehersisyo. Ang pageehersisyo ay makakatulong upang masunog ang mga naimbak na calories na hindi naman kinakailangan ng ating katawan. Ang mga naiipong calories ang siyang nagiging bilbil at taba sa katawan kapag napabayaan. Ang pagbibigay ng kahit 1 oras ang sarili para mag-ehersisyo sa isang araw ay nakakabuti sa ating katawan.


+ There are no comments

Add yours