5 Masamang Bagay Na Pwedeng Mangyari Sayo Kapag Laging Pinipigilan Ang Pag-ihi



May mga pagkakataon na talagang pinipigilan mo ang iyong pag-ihi. At madalas, binabalewala lang natin ito at hindi iniisip na mayroon pala itong masamang epekto sa ating kalusugan. Ang ihi ay ang liquid by-product ng metabolismo sa ating katawan.
Ito ay kailangang mailabas dahil kung hindi ang mga harmful toxins ay maaaring mabuo sa katawan na siyang pagmumulan ng mga imp*ksyon at sak!t. Kaya kung ikaw ay naiihi, agad mo itong ilabas. Samantala, narito naman ang mga masamang epekto ng pagpigil ng ihi.
1. Bladder burst

Habang pinipigilan mo ang iyong pag-ihi, dumarami ng dumarami ang ihi sa iyong pantog o bladder. Kahit na ang iyong pantog ay may kakayahang mag-stretch, aabot ito sa punto na hanggang doon lamang ang kanyang kaya. At kapag ito ay nangyari, pwede itong sumab0g at ang ihi ay maaaring kumalat sa iyong abdomen. 
2. UTI o imp*ksyon sa ihi

Ang madalas na pagpipigil ng ihi ay nakakapagpataas ng tiyansa mong magkaroon ng imp*syon sa iyong ihi o urinary tract inf*ction. Ayon sa mga pag-aaral, ang pagpipigil ng ihi ay nakakapagdulot ng pagbuild- up ng bakterya sa iyong bladder. At kapag ito ay nangyari, pwede itong magdulot ng pananak!t at kahirapan sa pag-ihi
3. Incontinence

Ang incontinence ay ang pagkawala ng pagpigil sa pag-ihi. Ito ay ang mga napapa-ihi na lamang sa kanilang salawal dahil dulot ito ng labis na pagpipigil. Ang mga muscles sa iyong pelvic area humihina kaya naman ang iyong pantog ay hindi na kayang makapagpigil pa at magreresulta na lamang sa pagle-leak ng iyong ihi. 

4. Makakaranas ng pananak!t
Sumasak!t ang pakiramdam sa tuwing pinipigilan mo ang iyong pag-ihi dahil ang iyong mga muscles ay tensed. Sa oras na nailabas mo ito, ang iyong mga muscles ay muling marerelax. 
5. Kidney stones

Ito ang pinakamalalang ayaw mong mangyari sa iyo sa tuwing ikaw ay nagpipigil ng ihi, ang pagdevelop ng mga bato sa iyong kidneys. Nabubuo ang mga ito kapag ang waste products ay hindi nailalabas kaya tumitigas ang mga ito at nagfo-form ng crystals sa iyong kidneys. 
Kadalasan, ang mga malilit na stones ay maaari pang mailabas sa tuwing ikaw ay iihi, ngunit kung ang mga ito ay lumaki ay mas nagkakaroon ng problema.


+ There are no comments

Add yours