5 Nakakamanghang Benepisyo ng Pagkain ng Seaweed




Mula pa man noon, tradisyonal nang ginagamit ang mga seaweeds bilang pagkain sa China, Japan at Korea. Sa pagmigrate ng mga taong ito sa iba’t ibang mga bansa sa buong mundo, naimpluwensyahan rin nila ang mga tao na kumain nito kaya naman ngayon isa na itong popular na bilihin sa merkado at madalas nang isinasama bilang rekado sa mga ulam. Ang paggamit umano nito ay parang pagyakap sa organic at natural na pagkain mula sa malinis na kapaligigiran. 
Ang seaweeds o sea vegetables ay isang anyo ng algae na tumutubo lamang sa dagat. Makikita natin sila minsan na kulay pula na nagiging green na nagiging brown at nagiging black. Ito ay madalas isahog sa mga ulam o pagkain na tulad na lamang ng sushi rolls, sabaw, salad, at smoothies. Pero hindi lamang ito pang kusina lang at hindi naman ito matatawag na organic kung wala itong maitutulong sa ating pangangatawan diba? Kaya naman narito ang ilang benepisyo ng seaweed.

1. Magandang Source ng Vitamins at Minerals
Ang seaweed ay may malawak na sakop sa pagkakaroon ng bitamina at mineral na tulad ng iodine, iron, and calcium. Naglalaman rin ito ng malaking amount ng vitamin B12 na magandang source naman ng omega-3 fats na nagpapababa ng blood pressure at nagpapagana ng ating utak.

2. Nababawasan ang Heart D!s3ase Risk
Ang pagkakaroon na yata ng heart dis3@s3 ang kinakatakutan nating makuhang s4k1t dahil ito na ang pinakapangunahing sanhi ng pagkam@tay sa ngayon. Ang dahilan nito? Mataas na kolesterol, blood pressure, at paggamit ng sigarilyo o kaya naman hindi masayadong gumagawa ng mga gawaing pisikal at pagiging over weight. Kaya naman sa pamamagitan ng pagkain seaweed mababawasan ang lebel ng blood cholesterol at ang panganib ng mga blood clot.

3. Naglalaman ng Ibat ibang Protective Antioxidants
Meron itong antioxidants na nagtutulungan para protektahan ang ating katawan mula sa pagkakaroon ng cell damage na tulad na lamang ng vitamins A, C and E, carotenoids at flavonoids. At ang mga anti-oxidants na ito ay kayang gumawa ng unstable substances sa katawan na kung tawagin ay “free radicals less reactive.



4. Sinusuportahan ang paggana ng Thyroid 
Ang thyroid gland natin ay responsable sa mga hormones na nakakatulong sa pagkontrol ng ating paglaki, pagkakaroon ng energy, reproduction at pagsaayos ng mga sirang cells sa katawan. At kinakailangan ng iodine (na meron naman sa seaweed) ng ating thyroid dahil dito siya kumukuha ng kakayahang gumawa ng hormones. Meron ring amino acid ang seaweed na kung tawagin ay tyrosine na kapag isinama sa iodine ay mas magfufunction ng mabuti ang ating thyroid gland.
5. Nakakabawas ng Timbang
Naglalaman ng maraming fiber ang seaweed na dahilan ng pakiramdam na parang lagi kang busog o kaya naman hindi pinaparamdam sayo ang gutom kaya naman ito ay nakababawas sa iyong timbang. Meron rin itong nilalaman na fucoxanthin na makatutulong sa pagbilis ng ating metabolismo.


+ There are no comments

Add yours