5 Natatagong Sikreto Ng Dahon Ng Papaya Para Sa Balat



Ang pagme-maintain ng maganda at malusog na balat ay napakaimportante. Napakarami mang beauty products ang ibinebenta ngayon sa merkado, wala pa ring tatalo sa mga natural na paraan tulad na lamang ng papaya.
Kilala ang papaya na ginagamit na rin sa mga pampaganda tulad ng sabon, creams, at lotion. Ito ay dahil mayroon nga naman itong makapangyarihang kakayahan upang mapaganda ang balat at kutis. Ang dahon din nito ay mayroong natatagong sikreto para sa ating balat. Narito at alamin ninyo!
1. Para sa acne at mga tigyawat

Base sa mga pagsasaliksik, ang dahon ng papaya at bunga nito ay nakakatulong para maiwasan ang acne. Maaari mo itong kainin o gawing tsaa at pwede rin namang gamitin externally. Upang gamitin ito, kumuha ng 3-6 na dahon ng batang papaya. Dikdikin ito hanggang maging pino. Ipahid ito sa iyong mga tigyawat at acne. 
Maaaring gawin ang trick na ito araw araw kung nais mo. Ang dahon ay makakatulong sa paghupa ng implamasyon na dulot ng acne. 
2. Nakakapagbigay ng nourishment sa balat

Ang kinatas na dahon ng papaya ay nakakatulong upang mabuksan ang mga baradong pores at bawasan ang sobrang oil sa mukha. Maaari itong gawing face mask tuwing gabi bago matulog.
3. Remedyo para sa eczema

Ang eczema ay isang uri ng skin inflammation na nagkakaroon ng makating patse-patse sa balat. Minsan ito ay kumakalat sa kahit aling parte ng katawan. Upang malunasan ito, magkonsumo ng dahon ng papaya maaaring gawin itong tsaa. Pwede ring dikdikin ang dahon hanggang maging paste at ipantapal sa apektadong bahagi.

4. Pang-iwas sa premature aging

Nagtataka ba kayo kung bakit karamihan sa mga beauty products ay gumagamit ng papaya? Ito ay dahil may kakayahan itong ayusin ang mga na-damage na balat dahil sa pagkakaexpose sa UV rays ng araw. Nakakatulong itong imaintain ang elasticity ng balat at produksyon ng collagen at elastin. 
5. Nakakapagpalusog ng balat

Ang papaya leaf juice ay may mataas na content ng vitamin A at C kumpara sa bunga nito. At ang mga bitaminang ito ang nakakatulong magpanatili sa malusog na balat. Hindi man maganda ang lasa ng juice nito ay benepisyal naman hindi lang sa balat kundi sa buong katawan.


+ There are no comments

Add yours