6 Benepisyong Makukuha sa Pagkain ng Kamatis na Hindi Alam ng Karamihan




Ang kamatis ay isang karaniwang halaman na tumutubo saan mang parte ng mundo. Ang bunga nito na mapula ay karaniwang ginagamit sa maraming lutuin at putahe ng iba’t ibang kultura. Maliit lamang ang halaman nito at hindi tinutubuan ng matigas na sanga.
Alamin ang mga benepisyo na naidudulot ng Kamatis:
-Makukuhanan ng solanine at fixed oil ang buong halaman ng kamatis.
-Ang bunga ay may taglay naman na carotene lycopene, na isang mahusay na antioxidant. Ang mapulang kulay ng kamatis ay dahil naman sa lycopene.
-Bukod pa sa mga ito, ang bunga ay maroong tubig, protina; taba, carbohydrate, fiber, vitamin A, B, C, nicotinic acid, pantothenic acid, Vitamin E, biotin, malic acid, citric acid, oxalic acid, mga mineral gaya ng sodium, potassium, calcium, magnesium, iron, copper, manganese, phosphorus, sulfur, at chlorine
-Ang mga buto naman ay may taglay na globuline, vitamins A, B, at C, at solanine

ANO ANG MGA KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG KAMATIS?
1. Hirap sa pagdumi
Ang pagkain sa bunga ng kamatis o kaya ay pag-inom sa katas nito ay mabisa para sa hirap sa pagdumi.
2. Hika
Nakatutulong sa kondisyon ng hika ang ang pag-inom sa katas ng kamatis.
3. Problema sa atay
Ang nanghihinang atay na dulot ng ilang mga kondisyon ay maaring matulungan din ng pag-inom sa katas ng kamatis.

4. Dyspepsia
Ang panan@kit ng tiyan at hirap sa pagtunaw ng kinain na dahil sa dyspepsia ay maaaring maibsan ng pag-inom din ng katas ng kamatis.
5. Impatso
Kung napapadalas na may problema sa pagtunaw ng pagkain, ang pag-inom sa katas ng kamatis ay makatutulong nang malaki.
6. Hindi ninanais na pamumuo ng dugo
Ang pamumuo ng dugo na maaaring magdulot ng stroke, atake sa puso at iba pang kondisyon ay maaaaring maagapan ng pagkain ng kamatis.


+ There are no comments

Add yours