6 Na Benepisyong Makukuha Sa Paa Ng Manok o Chicken Feet
Kilala sa Pilipinas ang street foods lalo na ang fishball, isaw, kwek-kwek, barbecue, betamax, at ang popular na ‘adidas’ o paa ng manok. Kung sa ibang bansa ay tinatapon na lang nila ang parteng ito, dito sa atin ay makikita pa na nasa menu na rin ng mga restaurants.
May mga tao pa ring hindi kumakain ng chicken feet, ngunit sa mga mahilig at nakatikim na nito ay masasabi na mayroon itong unique flavor. Kaya naman kung paborito mo ang paa ng manok, narito ang mga benepisyong naibibigay nito!
1. Pinapatibay at iniiwasang maging marupok ang buto
Habang ang tao ay tumatanda, ang amount ng calcium sa katawan ay bumababa na rin. At ito ang nagiging dahilan ng pagiging marupok at mahina ng mga buto. Ang chicken feet ay mayaman sa calcium, protina, at collagen na nakakatulong patatagin ang buto at nakakapagpaiwias sa pagkakaroon ng mahinang buto kapag tumanda.
2. Nakakapagpababa ng presyon
Ang chicken feet ay nagtataglay ng mas maraming collagen protein kumpara sa pitso ng manok. At ito ay nakakatulong sa pagpapababa ng presyon. Nagtataglay rin ito ng potassium, kaya maganda ito para sa mga taong mayroong hypertension. Ngunit tandaan lamang na kapag ihahain ito ay iwasan ang maraming asin o maalat.
3. Mabuti para sa gilagid
Ang pagkonsumo ng chicken feet ay nakakatulong dahil mayroon ito maraming amount ng collagen, amino acid, at iba pang gelatin-forming substances. Ang mga ito ay nakakatulong sa pagkakaroon ng malusog na gilagid.
4. Iniimprove ang immune system
Ang pagkain ng chicken feet ay nakapa-nutritious at nakakatulong palakasin ang resistensya. Ang mineral content nito ay benepisyal sa kalusugan ng tao. Ito ay mayroong collagen at iba pang mineral tulad ng copper, phosphorus ang zinc na mabisang panangga sa mga sak!t.
5. Pampaganda ng balat
Dahil sa taglay na collagen nito, maganda ito para sa balat, Nakakatulong ito sa pagre-regenerate ng mga cells. Pinapapataas din nito ang elasticity ng balat at nakakatulong makaiwas sa pre-mature aging at paglitaw ng mga wrinkles.
6. Para sa may digestive problems
Ang chicken feet ay maaaring ipangsahog sa mga sabaw. Ang benepisyong makukuha dito ay nakakabuti sa digestion ng pagkain. Ang mga nutrients na matatagpuan dito ay ginagawang malusog din ang ating mga bituka sa tiyan.
+ There are no comments
Add yours