6 Na Pagkaing Bawal Kainin Dahil Maaaring Makapagpalala Ng Ulser Sa Tiyan
Ang ulser sa tiyan ay ang mga pagsusugat sa mga linya ng iyong tiyan. Nagkakaroon ka nito dahil ang makapal na layer ng mucus sa iyong tiyan ay numinipis. At kapag ito ay nangyari, ang mga digestive acids ay maaaring magdulot ng pagsusugat sa loob ng tiyan na siyang pinagmumulan ng ulser.
Ang isa sa mga sintomas ng ulser ay ang pagkirot sa gitnang bahagi ng iyong tiyan. Kadalasan, sumasak!t ito kapag ang iyong tiyan ay walang laman. Pwede rin itong magdulot ng bloating, pagbaba ng timbang, acid reflux, heartburn, at pagsusuka.
Kaya kung may suspetya ka na mayroon kang ulser, narito ang mga pagkain na dapat mong iwasan dahil maaari itong makapagpalala sa iyong kondisyon.
1. Fatty foods
Ang mga pagkaing mamantika o fatty foods ay nangangailangan ng mahabang oras bago ito matunaw ng tuluyan. Hindi ito maganda kapag ikaw ay mayroong ulser dahil pwede itong magdulot ng bloating at pananaki!t ng tiyan.
2. Spicy o maanghang na pagkain
Matagal nang pinaniniwalaan na ang pagkain ng maanghang o spicy foods ang siyang nakakapagdulot ng ulser sa tiyan. Ngunit napatunayan sa mga pag-aaral na hindi ito totoo. Sa halip, ang mga spicy ay nakakapagdulot lamang ng iritasyon sa tiyan na kung ikaw ay mayroong ulser ay hindi ito mabuti.
3. Citrus fruits
Kapag ikaw ay mayroon ng ulser sa tiyan, ang nais mong gawin ay hindi lumala ang pananak!t nito. Ang iyong ninanais ay maiwasan ang heartburn at kung ano pang bagay na nakakapagpadami ng acid productions sa iyong tiyan. Kaya naman iwasan ang mga citrus fruits dahil maaari itong makapagdulot ng iritasyon sa tiyan at heartburn.
4. Kape
Ang kape ay mayroong taglay na caffeine na nakakapagpataas ng acid production sa tiyan. Kung ikaw ay mayroon ulser, ito ay makakapagpalala lamang sa iyong kondisyon. Dahil ang pagkakaroon ng sobrang acid sa tiyan ay pwedeng makasugat sa stomach linings.
5. Gatas
Noon, akala ng mga doktor na ang paginom ng gatas ay nakakapagpagaling sa mga ulser dahil ito ay masustansya. Sa katunayan, ang gatas ay nakakapag-istimulate sa iyong tiyan upang magproduce ng hydrocholoric acid na nakakapagpalala sa mga ulser.
6. Inuming may alk0hol
Gaya ng caffeine, ang mga inuming ito ay nakakapagdulot ng iristasyon sa iyong digestive tract kaya naman mapapansin na kapag ininom ito ay mainit sa tiyan. Kung ikaw ay mayroong ng ulser sa tiyan, marapat na iwasan na ito dahil nakakapagpalala lang ito ng iyong kondisyon.
+ There are no comments
Add yours