6 na Simpleng Prutas Para sa mga Buntis na Makikita Lamang sa Paligid-ligid na Makakatulong sa Kalusugan ng Bata!





Importante ang pagkakaroon ng tamang diyeta para sa mga nagdadalang tao. Kaya napakagandang kumain ng malulusog na pagkain upang masiguro na malusog ang isang ina at ang baby sa kaniyang sinapupunan. Halimbawa na lang rito ay ang pagkain ng mga prutas.

Kapag nasa panahon ng pagbubuntis ang isang tao ay napakarami nitong gustong kainin. Kaya lang minsan o madalas ang mga gustuhing pagkain ay hindi nakabubuti para sa baby. Sa mga ganitong sitwasyon, nararapat na huwag kalimutan na kapag buntis ka, kumakain ka para sa dalawang tao. Kaya maging maingat sa pagpili ng mga pagkain na iyong kakainin. Mainam na ipayo rito na isama ang prutas sa araw-araw na pagkain para maibsan ang mga ibang pagkain na hinahanap-hanap ng inyong panlasa sa panahon ng inyong pagbubuntis.

Maraming mga uri ng prutas at ang lahat ng mga ito ay napakainam para sa pagdadalang tao. Ngunit ang mga prutas na mababanggit lamang dito ay ang mga prutas na karaniwan at madali lamang makita at maaaring makita sa pamilihan. Ngunit madalas na makitang nakatanim sa bakuran. At ang mga ito ay lubos na napakayaman sa nutrisyon. 

Narito ang anim na prutas para sa mga buntis na makikita mo lang kahit saan:


1. Mangga

Isa ang prutas na ito sa paboritong kainin ng mga pinoy. Karaniwan rin na gustong kainin ng mga taong naglilihi o buntis. Hinog man o hilaw ang prutas na ito ay nagtataglay pa rin ng bitamina na kailangan ng isang buntis. Ito ang Bitamina A at C. Ang pagkain dito ay siya ring pagtanggap ng nutrisyon na taglay nito para kay baby. Sa karagdagan, maiiwasan ang bitamina A deficiency na kung saan nagdudulot ng mababang immunity ng sanggol na maaaring magdulot ng komplikasyon na pagtatae at infection. Makatutulong rin ito sa isang ina para maiwasan ang constipation.

2. Bayabas


Napakahitik nito sa sustansiya. Kaya naman napakainam nitong kainin para sa nagdadalang tao dahil sa mga taglay nitong benepisyo na nakabubuti sa kalusugan. Napakabuti rin nito para sa ating panunaw. Kaya naman maiwawasan ang ano mang sanhi ng constipation ng buntis. At naghahatid rin ito ng paglakas ng nervous system ng baby.

3. Saging

Ang prutas na ito ay nagtataglay ng vitamin C na tumutulong upang maging malakas ang immune system. Ang magnesium na taglay nito ay siya naman tumutululong para magkaroon ng balanseng fluid sa ating katawan upang maiwasan ang pagkahilo at pagsusuka sa iyong first semester. Ang iba pang nilalaman nito ay lubos na nakabubuti sa sanggol sa sinapupunan at sa inang nagbubuntis. Madalas itong irekomenda ng mga doktor para sa buntis. Kabilang ang prutas na ito sa pag-iwas sa constipation na lubos na problema sa panahon ng pagbubuntis.

4.Orange


Kabilang ito sa mga citrus na mayaman sa bitamina C. Ang pagkain nito ay matutulungang mapalakas ang immune system na maghahatid ng proteksiyon laban sa ano mang mga sakit na maaaring maranasan. Nagpapanatili ito ng hydrated sa isang ina. At sa mga taglay nitong nilalaman maiiwasan ng sanggol ang pagkakaroon ng abnormal sa utak at sa gulugod.

5. Mansanas

Isa rin sa hitik sa sustansiya ang mansanas. Kaya naman kabilang ito sa mga pangunahing prutas na nakabubuti sa buntis at sanggol. May kayayahan rin itong mapalakas ang immune system ng baby at maiwasan ang mga sak!t.

6. Berries 

Ano mang iba’t ibang uri ng berries ay kabilang sa mga kailangan na kaining prutas ng isang inang buntis para mapabuti ang sariling kalusugan at ng kaniyang dinadala. Mainam ito dahil napapanatili nitong hydrated ang ina at sanggol. Ang lahat ng mga nutrisyon na kailangan ng mag-ina ay lubos na taglay ng prutas na berries.


+ There are no comments

Add yours