Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!





Ang pagkakaroon ng sapat na ehersisyo ay importante para sa ating mga kalusugan dahil ito ay nakakapagtanggal ng toxins sa ating katawa. Alam niyo ba na ang simpleng pagtaas ng binti ng 20 minuto araw araw ay nakakatulong sa ating kalusugan?

Ang ganitong posisyon pala ay may magandang epekto sa ating katawan kung madalas mo itong gagawin dahil isa itong relaxation technique na ginagawa ng mga nagmemeditate o yoga na nakakatulong sa sirkulasyon ng dugo sa ating binti patungo sa katawan.





Ano-ano nga ba ang mga pagbabago sa katawan kapag ginawa itong 20 minutong ehersisyo? 


1. Matatanggal ang sak!t sa binti pagkatapos magsuot ng heels

Kadalasang nahihirapan at napapagod ang mga kababaihan kapag naka-takong ng mataas dahil mahirap ibalanse ang bigat ng katawan. Kapag katapos ng mahabang araw na pagsusuot ng takong, ugaliing itaas ang binti at mag-relax. Ang pagtaas ng binti ay siguradong makakatulong upang sanayin ang paa sa pag suot ng takong.

2. Makakatulog ng maayos at mahimbing 
Ang pananak!t ng ating mga binti ay isang epekto ng pagkakaroon ng insomnia. Ang regular na pagtaas ng binti ng 20 minuto sa pader ay makakatulong na alisin ang mga sintomas ng insomia. Ang utak ang makakatanggap ng sapat na oxygen sa tamang pag-hinga at ipapabuti nito ang blood circulation. Ang ating tulog ay mas magiging malalim at mahimbing. 

3. Ang mabigat na pakiramdam at pamamanhid sa binti ay mawawala

Ang nararamdamang pamamanhid at bigat sa may binti ay konektado sa mahinang blood circulation sa katawan. Ito ay pwedeng dahilan ng komplikasyon sa puso o bato, sobrang pagdagdag ng timbang, at hindi malusog na diyeta. Ang ehersisyong ito ay magandang gamot o treatment sa binti kapag ito ay namamanhid o mabigat sa pakiramdam.

4. Mas mapapabuti ang pagtunaw ng pagkain sa tiyan

Ang ehersisyong ito ay malaking tulong upang maipabuti ang digestion sa tiyan. Ang “smooth muscles ” na responsable paggalaw ng pagkain sa loob ng tiyan ay mas makaka gana ng mabuti. Ito ay tinatawag na peristalsis kung saan ito ay isang muscle contraction na para sa pagtunaw ng pagkain sa tiyan. Kapag naging malakas ang blood circulation sa katawan, mas magiging mabuti ang digestive system ng isang tao.


5. Nakakatulong ito sa respiratory system ng tao

Sa ehersisyong ito, ikaw ay magiging komportable at mas makakapag-langhap ng maraming hangin. Ang mga tisyu sa katawan ay makakakuha ng mas maraming oxygen, at kapag ang blood circulation ay malakas, ito ay magbibigay ng sustansya sa lahat ng mga inner organs ng katawan. Ang ehersisyong ito ay malaking tulong sa nervous system dahil binabawasan nito ang tensyon sa muscle tulad ng sa temples, leeg at tiyan.




Nasanay tayong araw-araw gumagamit ng enerhiya para kumilos sa mga importanteng gawain natin. Kaya naman, maraming tao ang nagpapahalaga ng mga epeketibong ehersisyo na talagang mayroong pagbabagong nangyayari sa ating katawan, at mga ehersisyong hindi mabigat sa oras at hindi kinakailangan ng masyadong pagsisikap. Tulad nalang ng gawaing pagtataas ng binti ng 20 minuto araw araw ay may magandang maidudulot pala ito sa atin.

Paano nga ba ito gawin?

Una, pumili ng komportableng posisyon na malapit sa pader at maglagay ng unan o “soft roller” sa likuran. Pangalawa, itaas ang mga binti at i-stretch ito sa may pader tapos i-relax ang mga kamay sa gilid ng katawan. Tapos, manatili sa ganitong posisyon ng 15- 20 minuto. Importante ring pumili ng komportableng damit na susuotin upang hindi ito maging sabagal sa blood circulation ng katawan habang ginagawa ang ehersisyo.

+ There are no comments

Add yours