Bawasan Na Ang Pagkain Sa Mga Fastfoods Dahil Sa Dulot Nitong Epekto Sa Kalusugan
Mahilig ka bang kumain sa mga fast food restaurants? Tiyak na sa mga taong on-the-go, marami ang aamin na mas convenient ang kumain na lang sa fast foods dahil mas mabilis ang serving ng pagkain sa mga ito at masarap naman.
Ngunit kaunting paalala na ang mga ganitong klaseng pagkain, kahit na nasa-satisfy ang iyong pagkagutom ay maituturing pa rin na ang mga ito ay junk food. Ibig sabihin, na ang mga ito ay nagtataglay lamang ng kakaunting nutrisyon at naglalaman ng napakaraming kalorya.
Narito ang mga epekto ng pagkain ng fast foods sa iyong katawan.
1. Epekto sa iyong digestive at cardiovascular system
Karamihan sa mga pagkain sa mga fast foods ay may kasamang mga sides at drinks na puno ng carbohydrates, calories, at maraming sugar. Sa oras na ma-breakdown ang mga pagkaing ito sa iyong digestive system ay maco-convert ang mga ito sa glucose o sugar na dadaloy sa iyong dugo. At sa ganitong paraan, tataas ang inyong blood sugar.
Ang labis na pagkonsumo ng mga ganitong klaseng pagkain ay nakakapagpataas ng tiyansa na magkaroon ka ng dyabetis at tumaba.
2. Epekto sa utak
Ang mga fast food ay kayang i-satisfy ang iyong pagkagutom sa maiksing panahon, ngunit sa katagalan ang resulta nito ay hindi maganda. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga taong nagkokonsumo ng pagkaing galing sa mga fast foods ay mataas ang tiyansang magdevelop ng depresy0n kumpara sa mga taong kumakain ng healthy na pagkain.
3. Epekto sa iyong mga ngipin at buto
Ang asukal at carbohydrates sa mga prinosesong pagkain at fast food ay nakakapagpataas ng acid sa iyong bibig. Ang acid na ito ay maaaring makasira inyong tooth enamel na maaaring pagmulan ng cavities.
At dahil nakakataba rin ang pagkain sa mga fast foods, mayroon rin itong masamang epekto sa ating mga buto. Mga taong obese ay may mataas na tiyansang mapinsala ang kanilang mga buto at nagiging marupok ang mga ito dahil hindi nakakakuha ng sapat na nutrisyon sa pagkain.
4. Epekto sa balat
Ang mga kinukonsumong pagkain ay nakakaaepekto sa appearance ng iyong balat. Ang pagkain ng mga fatty foods ay maaaring makapagdulot ng acne at pimples sa mukha. Ayon sa isang pagsusuri, ang mga taong kumakain ng fast food tatlong beses sa isang linggo ay mataas ang tiyansang mag-develop ng mga kondisyon sa balat tulad ng eczema.
5. Epekto nito sa iyong baga
Ang rason kung bakit may masamang epekto ang fast foods sa ating baga ay dahil sa naidudulot nitong pagtaba o obesity. Ang sobrang calories na nakukuha sa mga fast food consumption ay nakakapagdulot ng pagdagdag ng timbang. Ang pagiging obese ay ang nakakapagpataas ng tiyansa sa asthma, kahirapan sa paghinga, at iba pang respiratory problems.
Ang pagkakaroon ng extra pounds ay makakapagdulot ng pressure sa iyong baga at puso kaya mapapansin na kahit kaunting paggalaw lamang ay madali ka nang hingalin.
+ There are no comments
Add yours