Estudyante Kasamang Pumapasok Sa Eskwela Ang Kanyang Ina Para Ito Rin Ay Kanyang Maalagaan



Natural sa mga bata ang makipaglaro sa iba dahil parte ito ng kanilang pagiging bata at kailangan ito sa kanilang development. Ngunit mayroong iba na kahit sa murang edad pa lamang ay nagkakaroon na sila ng responsibilidad. Tulad na lamang ng grade 5 student na ito na kinilala bilang si John Mark. 
Marami ang humanga sa kabutihan ng batang ito dahil sa araw-araw niyang pag-aalaga sa kanyang inang may sak!t. Habang ang kaniyang mga kaklase ay focus sa  pag aaral ng walang distraksyon, ang Grade 5 student ang nag-ngangalang John Mark ay nagbabalanse ng kaniyang pagaaral at mga responsibilidad sa buhay. 
Sa murang edad, isa na siyang nag-iisang tagapag-alaga sa kaniyang inang may karamdaman. Ngunit, imbis na mawalan ng pag-asa at tumigil na lamang sa pag-aaral, sinisigurado ni John Mark na hindi niya nakakaligtaang pumasok sa paaralan.
Bagamat ito ay isang napakalaking responsibilidad lalo na sa kanyang edad, kung iisipin ay mahirap na mag-alaga ng inang may karamdaman habang ikaw ay nag-aaral. Kahit na ito ay isang malaking pagsubok, ay lagi pa ring niyang isinasama ang kaniyang nanay sa kanilang klase
Naglalaan siya ng 30 minutos upang itulak ang kaniyang ina na nasa wheelchair papunta sa kanyang eskwela. Ang kanilang sitwasyon ay maaring mahirap ngunit si John Mark mismo ang ayaw iwanan ang kaniyang ina sa bahay habang siya ay nasa eskwelahan.

Gaya ng mga ibang tao na nasa kaparehong sitwasyon tulad nila, isang concerned citizen ang nagbahagi ng kanilang larawan sa social media. Madaming netizens naman ang pumukaw sa mga larawan ni John Mark at ng kaniyang ina. 
Marami ang humiling na sana ay mahanap na nila ang tulong na kanilang kinakailangan. Para naman ang bata ay makapag focus sa kaniyang pag-aaral at ang kaniyang ina ay matugunan ang mga gamot upang ito ay gumaling.
Marami ang napaiyak at napahanga sa kabaitan at pagmamalalasakit ni John Mark sa kanyang ina. Kung tutuosin, dapat ang ina ang nag-aalaga sa kanyang anak. Ngunit sa sitwasyon nila ay hindi piniling iwanan ni John Mark ang kanyang ina dahil na rin sa kanyang pagmamahal dito.


+ There are no comments

Add yours