Ito ang Anim Side Effect ng Sobrang Pagkain ng Pinya





Alam nating lahat na ang pinya ay isa sa mga prutas na masasarap, na mayroong mga bitamina, fiber, mineral at ito rin ay antioxidant na maganda sa kalusugan ng isang tao. Ito ay nakaka-akit na kainin dahil ito ay mabango at matamis tamis ang lasa nito ngunit hindi natin alam na mayroon pala itong mga masasamang epekto sa katawan kapag nasobrahan ka sa prutas na ito. 
Napakasarap nga naman ng pinya lalo na kung ito ay matamis at malamig. Subalit ang sobra sa pagkain ng pinya ay hindi rin pala maganda para sa ating kalusugan dahil ito ay maaaring magdulot o magtrigger ng reaksyon sa ating mga organs sa katawan.


Ibabahagi namin sa inyo ang anim na side effect of pangit na epekto ng sobrang pagkain ng pinya:



1. Pagtaas ng Blood Glucose Level

Ang pinya ay tulad lang din ng mga ibang matatamis na prutas na mayroong fructose. Ang fructose ay isang uri ng asukal na nagpapataas ng blood sugar level sa katawan. Hindi ito pwede sa mga taong may dinadamdam na sak!t tulad nalang ng mga diabetic. Mas mabuti kung magpatingin sa doktor at sundin ang mga sasabihin sa iyo upang maiwasan ang paglala ng sak!t.


2. May Reaksyon sa Gamot

Ang Bromelain ay makikita sa pinya at mayroon itong reaksyon sa mga gamot lalo na kapag ikaw ay may meditasyon. Ipinapataas nito ang absorption ng mga antibiotics tulad ng amoxicillin at tetracycline at pinapataas din nito ang posibilidad ng pagdugo kapag gumagamit ng blood thinners. Kaya pag isipang mabuti kapag kakain ng pinya. 

3. Maaaring magsanhi ng Diarrhea 
Ang pinya ay mayroong fiber na tumutulong sa iyong digestion. Ngunit kapag nasobrahan sa prutas na ito, pwedeng magsanhi ng pagsusuka at diarrhea. Kapag ikaw ay mayroong ganitong sitwasyon, uminom ng maraming tubig. Sundin ang sasabihin ng doktor, upang maiwasan ang pag epekto. 




4. Sinisira nito ang ngipin

Ang pinya ay acidic na prutas dahil ang pH level nito ay 3.3 – 5.2. Kapag nasobrahan sa pinya, maaaring maging sensitive ang ngipin lalo na kapag ikaw ay madalas kumain nito. Kaya siguraduhing hindi nasosobrahan sa pinya upang hindi lumala ang kondisyon ng ngipin. 

5. Epekto ng hilaw na pinya

Laging kumain ng mga pinyang hinog. Mamili ng mga dilaw o gold ang kulay panlabas at amuyin ang ibabang parte ng pinya upang malaman kung ito ay matamis. Kapag hinati na ito, dapat ito ay dilaw, fresh at malinamnam. Ang pagkain ng hilaw na pinya ay nagsasanhi rin ng pagsusuka at diarrhea, kaya kapag nakakain ng hilaw, agad magkonsulta sa doktor. 

6. Maaaring magkaroon ng allergy 

Ang bromelain ay isang enzyme na makikita sa isang pinya na mayroong kakayahang mag-digest ng proteins. May mga taong hindi hiyang ang pinya kaya nagkakaroon ng asthma at rhinitis kapag nasobrahan sa pinya. May mga tao ring nagkakaroon ng allergic reaction sa dila at mukha. Ngunit, unti unting mawawala ang allergy ng mga isang oras, pero mas magandang magkonsulta sa doktor.

+ There are no comments

Add yours