Ito ang Magandang Pakinabang ng Lagundi sa Katawan Bukod sa Lunas sa Ubo!





Ang Lagundi ay isang tanyag na halamang gamot na tumutubo at ginagamit sa Pilipinas. Noon pa man, gamit na ito bilang lunas sa iba’t ibang mga karamdaman. Sa katunayan, ayon DOH (Department of Health), ang lagundi ay may mga ‘clinically proven medicinal value’. 

Mapapakinabangan ang lagundi dahil naglalaman ito ng maraming mga sustansya na magbibigay ng benepisyo sa ating pangangatawan. Mayroon itong anti-inflammatory, anti-microbial, antihistamine, mga bahaging analgesic, at Chrysoplenol D na nakahihilom ng muscles. Ang mga ito ay makatutulong sa paggamot sa mga sak!t sa katawan.


Narito ang mga pakinabang ng LAGUNDI sa sak!t sa iba’t ibang bahagi ng katawan:


• Para sa ating Respiratory

Ang mga dahon ng lagundi ay naglalaman ng mga anti-inflammatory properties pati na rin ang anti-histamine at expectorant na makakatulong para sa mga sa maayos na sirkulasyon ng paghinga at pagtanggal ng pananak!t ng lalamunan tulad ng ubo at sore throat. Kabilang din dito ang asthma na nabibigyan ng lunas ang mga simtomas gamit ang lagundi.

• Pananak!t ng Katawan



Epektibong pain reliever ang lagundi dahil sa mga compound na taglay nito. Ginagamit ito sa bansa upang gamutin ang sak!t sa katawan, ulo, at pati na rin ang rayuma dahil sa analgesic properties nito.

•Mga kati-kati sa Balat


Epektibong lunas ang halamang gamot upang mapawi ang mga sintomas ng mga kati sa balat dahil naglalaman ito ng mga anti-bacterial agent, anti-inflammatory properties, anti-septic properties at epektong cooling. Ang mga problema sa balat tulad ng acne, pangangati, bulutong, kagat ng lamok, at paso ay magagamitan ng lagundi bilang epektibong lunas. 

• Sak!t sa Tiyan


Magagamit ang lagundi sa mga taong hirap sa pagtunaw ng pagkain dahil naglalaman ito ng mga anti-bacterial at anti-inflammatory properties na makatutulong sa pag tunaw sa ating digestive system. Ang mga bahagi ng lagundi ay maaaring magamit upang matanggal ang diarrhea, cholera, colic, dyspepsia, intestinal worms, hemorrhoids, at iba pa. 


• Sak!t sa Atay


Ang atay ang nag aalis ang mga toxin mula sa katawan at mahalagang madetoxify ito upang mapanatili ang kalusugan. Natuklasan ng mga siyentipikong pag-aaral na ang mga dahon ng lagundi ay naglalaman ng mga epekto ng hepatoprotective na maaaring magamit bilang tonik para sa atay. 

Paano magagamit ang halamang gamot?


Para mainom, pakuluan ang dahon, bulaklak, o ugat ng lagundi, hayaan itong lumubog, salain ang mga bahagi, at inumin ang sabaw mula rito.
Para sa balat, maglapat ng durog na dahon ng lagundi upang makagamot. Magdagdag ng lagundi sa panligo upang makatulong sa pagpapabuti ng balat.


+ There are no comments

Add yours