Ito ang mga Pagkain na Kailangan Nating Ipagsabay-sabay sa Pagkain Dahil mas Makakatulong ito sa Kalusugan!





Sa tuwing pagkain ang usapan, tiyak na makakakuha ito ng atensyon sa mga tao. Sino ba naman ang hindi mapapatakam kapag pagkain na ang usapan, hindi ba? Kaya naman ang mga pagkain na tatalakayin natin ay hindi lamang katakam-takam kung hindi lubos na nakatutulong pa sa ating kalusugan dahil pag-uusapan natin kung ano ang mga pagkain na dapat magkakasabay sa tuwing ito ay kakainin.

Napakasarap kumain ng dalawang pinag-samang pagkain. Hindi lamang ito nakakasiyang kainin kung hindi lubos pa na pinalakas ang sustansiyang tinataglay nito na nakabubuti sa ating kalusugan. Bukod pa rito mabilis itong makapagbabawas ng timbang at isa pa itong energy boost na pagkain.

Narito ang limang halimbawa ng mga pagkain dapat ninyong ipagsabay sa iba pang mga pagkain:

1. Fruit, Veggies at Brown Rice

Ang isang bungkos ng mga pagkain kapag kinain bilang bahagi ng parehong pagkain ay maaari itong gumawa ng mga kamangha-manghang mga benepisyo sa ating kalusugan. Kaya naman ang isang magandang combinasyon na pagkain para rito ay tulad ng kapirasong prutas, gulay at isang tasa ng brown rice. Ang kombinasyong ito ay nakakatulong upang malabanan ang ano mang sanhi ng sak!t sa puso. At nagpapalakas pa ito ng pangangatawan dahil ito ay complete package at hindi gaanong nakakdagdag ng timbang.




2. Soy at Salmon

Ayon sa pananaliksik ng isang unibersidad napagalaman na ang soy ay may nilalaman na nutrients na nakapagpapataas ng Vitamin D sa colon at prostate. Ang pagkakaroon ng mataas na lebel ng bitamina D sa ating katawan ay maaaring maging proteksyon laban sa k@ns3r. Sa karagdagan ang isdang tulad ng salmon ay may mga magandang benepisyo rin na maihahatid sa ating kalusugan. Naglalaman ito ng mga bitamina na kailangan ng ating katawan.

3. Tomatoes, Olive Oil, at Broccoli



Ang gulay na kamatis at broccoli ay isang mahalagang mapagkukunan ng betacarotene at vitamin C, na kung saan ang mga ito ang kailangan ng ating katawan upang maging malakas ang ating immune system. Kapag ito ay iyong kinonsumo, makakatulong ito upang mapaganda ang kutis sa balat dahil ito kamatis at broccoli ang isa sa pinakamagandang gulay para sa balat. Samantala, ang olive oil naman ay nakakatulong linisn ang ating digestive system.


4. Bananas at Yoghurt

Ang kombinasyon ng pagkain na ito ay isang mahusay na lunas para sa mga taong madalas na magkaroon ng masamang pakiramdam na nauukol sa sikmura. Isa itong halimbawa ng klase ng pagkain na naglalaman ng probiotic at prebiotic. Kaya naman sa pagkain ng kombinasyong ito ay mapapahusay ang sistema ng panunaw at mapapalakas pa ang ating pangangatawan.

5. Oatmeal, Soy milk at Almond

Isang napakagandang panimula ng inyong araw ang pagkain ng pinagsama-samang kombinasyong oatmeal, soymilk at almond. Ito ay nagbibigay ng matalinong simula sa inyong araw. Nakatutulong pa ito sa kalusugan ng ating puso at sa pagpapanatiling malakas.

+ There are no comments

Add yours