Iwasan Ang 6 Na Pagkaing Ito Bago Ka Matulog


Lahat tayo ay gustong makapagpahinga at magkaroon ng masarap at mahimbing na tulog. Dahil kapag ang iyong katawan ay hindi nakapagpahinga ng mabuti, ang paggising mo ay hindi magiging maganda. 
Maliban sa mga unhealthy habits na iyong nagagawa na nakakaapekto sa iyong pagtulog, ang mga food choices rin na kinakain bago matulog sa gabi ay maaaring makaapekto sa iyo. Kaya narito ang mga pagkaing dapat huwag kainin bago matulog.
1. Celery

Kung ikaw ay may balak magpapayat, magandang isama ang gulay sa inyong diet plan. Ngunit ang isang gulay na dapat niyong iwasang kainin sa gabi bago matulog ay ang celery. Dahil ito ay isang diuretic na ang ibig sabihin ay madalas kang mapapaihi at maaari makaistorbo sa iyong pagtulog.
2. Chili

Magandang kainin ang mga spicy, chili, o maaanghang na pagkain kung nais mong mapabilis ang iyong metabolismo. Ngunit ang pagkain nito lalo na sa gabi ay maaaring makapagdulot sa iyong ng heartburn. 
3. Fatty Foods

Ang mga fatty foods tulad ng ice cream, pizza at burgers ay mataas sa fats at matagal bago matunaw ang mga ito. Ito kadalasan ang nagiging sanhi ng hindi natutunawan o di kaya ay bloating at ito ay hindi magandang maranasan lalo na sa gabi.

4. Fruit juices

Huwag nang uminom ng fruit juice tulad ng orange at cranberry juice pagkalipas ng 9 p.m. Ang mga inuming ito ay acidic sa iyong katawan at maaaring makapagdulot ng heartburn sa iilan. Ito rin ay nagtataglay ng mga simple sugars na pwedeng makapagpataas sa iyong blood sugar sa gabi.
5. Tsokolate

Kung mapapansin, ang mga bata ay iniiwasang bigyan ng mga matatamis lalo na ang tsokolate bago sila matulog. Simple lang dahil ang sugar sa tsokolate ay maaari kang gawing hyper-active. Ang dark chocolate naman ay nagtataglay ng caffeine na ginigising rin ang iyong katawan.
6. Kape

Ang caffeine sa kape ang pampagising sa katawan. Kung nais mong makatulog kaagad, iwasan ng uminom ng kape ilang oras bago matulog.

+ There are no comments

Add yours