Kakaibang Toga Na Gawa Sa Bus Tickets Ang Sinuot Ng College Graduate Na Ito
Sinong nagsabi na madali ang buhay ng isang college student? Bukod sa mga deadlines, homeworks, written papers, thesis, etc. ay napakaraming gabi rin ang iyong isasakripisyo matapos mo lang lahat ng mga ito.
Karamihan sa mga estudyante basta makapagtapos sila ng pag-aaral kahit na walang matatanggap na award ay sapat na sa kanila yun. Ngunit totoo naman ang kasabihan na, “Hardwork pays off” kapag ikaw ay nakapag-graduate na may honors.
Dahil nais maging memorable ng isang college student na ito ang kanyang graduation picture, imbes na toga ang kanyang isuot ay naisipan niyang ipunin ang lahat ng bus tickets na kanyang nagastos noong siya ay nag-aaral pa lamang.
Ang 21 taong gulang na si Mark James Capulong ay graduate bilang isang Magna Cum Laude sa Unibersidad ng Sto. Tomas na may Bachelor’s Degree sa Economics. Nasungkit niya ang third rank sa kanilang graduating class matapos ang apat na taon na pagcocommute sa pagpasok at pag-uwi.
Sa pagtityaga niya sa loob ng apat na taon, araw-araw ay nagta-travel siya ng halos limang oras mula sa kanilang bahay sa San Pedro, Laguna papuntang UST sa Maynila. Ayon sa kanya ang maging isang Magna Cum Laude ay napakalaking bagay lalo na’t pangarap niya talaga ito. At isang napakagandang reward nito matapos ang pagsasakripisyo niyang pagbi-byahe araw-araw.
Dahil ang pagpasok pa lamang niya sa unibersidad noon ay nakakapagod na para sa katulad niyang estudyante, naisipan niyang maging kakaiba sa kaniyang graduation picture. Nainspire din daw siya sa kanyang ibang mga kaklase na nagiging creative pagdating sa kanilang mga graduation photos.
Kaya naman noong siya ay nag-aaral pa lamang ay kinokolekta na niya ang lahat ng mga bus tickets na kanyang mga nagamit sa pagpasok niya sa eskwela.
Marami naman ang humanga sa ginawa na ito ni Mark dahil ang mga bus tickets na ito ay nagpapaalala sa kanya sa naging mga memories nito habang noong siya ay nasa kolehiyo.
+ There are no comments
Add yours