Limang Paraan Kung Paano Makakayanan ang Stress sa Inyong Trabaho





Maraming trabaho sa inyong opisina? Hindi na malaman kung ano ang uunahing gawin? Madalas nang walang tulog dahil sa paghahabol sa mga paperworks o ano pang mga kailangan na gawin sa inyong trabaho? o minsan ay hindi na makakain ng tama na nagdudulot ng pananak!t ng ulo? Ang lahat ng yan ay maaaring dahilan na ng Stress.

Stress na sa trabaho sumasabay pa ang problema sa bahay. Kaya naman ang kailangan diyan ay isang pagrerelax o pagpapahinga ng inyong isip at katawan. Ngunit ang pagkakaroon ng stress work ay hindi na maiiwasan. Dahil karaniwan na itong nangyayari sa kahit na sino man. Gayunpaman, may solusyon para mabawasan ang inyong stress work nang sa gayon mabigyan ng kahinahunan ang isipan at katawan. Ang pagkakaroon ng Chronic stress ay hindi nakabubuti sa inyong kalusugan sa kaisipan at pisikal na katawan.

Paano nga ba mababawasan ang sanhi ng stress work? at ano ang nararapat na gawin upang maibsan ang inyong kapaguran sa kaisipan at katwan. Basahin lamang ang artikulong ito. Sapagkat lubos itong makakatulong sa iyo. Makakadagdag pa ito sa inyong kaalaman.




Narito ang mga paraan kung paano makakaya ang work stress:


1. Itigil muna ang trabaho ng ilang minuto o magpahinga ng isang araw

Kung ang trabaho ay sobra na para sayo. At sa kagustuhang pagpatuloy ito para maging maayos na ang lahat. Kabaliktaran naman ang nagiging resulta ng inyong kagustuhang mangyari. Ang kailangan na gawin ay itigil o tigilan muna ito. Sa kadahilanang patuloy lamang walang mangyayaring maganda. Kung ang iyong isipan ay naguguluhan at hindi malaman kung ano ang dapat at hindi dapat na gawin.



Sa halip na ibigay ang oras sa pagpupursiging matapos na ang inyong napakaraming gawain, Nararapat na ibigay na lamang ito sa pag-iisip kung ano ang isa-isang gagawin para makamit ang iyong minimithi At kung ano nga ba ang pinakaprioridad mo sa iyong trabaho. Sa inyong pag-iisip, unawaing mabuti kung paano at ano ang kailangan na gawin. Kapag ang layunin at gawain ay malinaw na sa iyong kaisipan. Handa ka nang pumunta sa pangalawang hakbang.


2. I-align ang trabaho sa inyong goals sa buhay
Alamin muna kung ano ang inyong layunin sa inyong trabaho at kung ano ang goals o dreams na gusto ninyong makamit. Intindihin ang iyong gawain, alamin kung ano ang pinaka-kailangan na bigyan ng priyoridad at kung ano ang gawain na madaling matapos sa maliit na panahon. Sa pag-aayos sa mga gawain ay madali mong makakamit ang iyong layunin kasabay na rin ng inyong goals.


3. Isulat ang lahat ng problema sa stress

Kumuha ng isang papel, gumawa ng tatlong column at sulatan ang bawat isa ng remove, change at accept. Matapos itong gawin, isipin ang mga nakapagbibigay sa iyo ng stress sa trabaho. Ilagay ito sa mga column. Ang column na ‘Change’, pumapasok rito ang mga kaisipan na kailangan mong baguhin para maging maayos ang iyong trabaho at mga pagbabago na kailangan makamit mo. Ang ‘Accept’ naman, ito ang mga gawain o bagay na kailangan mong tanggapin sa iyong trabaho. Samantalag ang column na ‘Remove’ ay mga ugaling kailangan mong tanggalin o kaya naman ito ang padedesisyon kung kailangan pa bang ipagpatuloy o hindi na ang trabaho o ano mang gawain.

4. Maging positibo sa mga katrabaho, humingi ng tulong
Ang susi sa pagpapabuti sa iyong kakayahang mapamahaalan ang stress sa trabaho ay ang pagtanggap at paghingi ng tulong sa ibang katrabaho o sa ibang tao. Sabi nga nila ‘No man is in island’. Ang pagkakaroon at pagbibigay ng positibong pananaw ay makatutulong ng lubos sa kahit na sino man. Nakapagbibigay ito ng kaginhawaan sa pakiramdam at kaisipan. Nagdudulot rin ito ng kalakasan. Kaya naman imbes na magmukmok ka at magisip ng mga negatibo ay subukan na lamang magisip ng positibong paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng stress o mabawasan ito.

5. Mag-inhale exhale at magbakasyon

Importante ang pagkakaroon ng sapat na bakasyon bago tayo bumalik sa ating trabaho. Subalit kung hindi makapagbakasyon, turuan ang sarili kung paano magrelax kahit kayo ay nasa harap lamang ng inyong workload. Mag-inhale exhale upang matanggal ang mabigat na isipan.

Iunat ang dalawang kamay at paghawakan ito ang mga ito. Yumuko ng kaunti, Ipatong ang kamay sa batok. Sa paraan na ito marerelax ang iyong likod at ulo. Sundan din sa pagunat ng mga kamay paharap. Ipatong ang kanang kamay sa kaliwa at paghilain ang mga ito. Gawin ulit sa kaliwa. Sa huli, ipag-unat ang mga kamay paitaas. Sa gawain ito maiibsan ang iyong stress at marelax ang iyong katawan.

+ There are no comments

Add yours