Maglagay Ng Ilang Slice Ng Lemon Sa Tabi Ng Iyong Kama Bago Matulog
Alam niyo na napakaraming benepisyong naibibigay ng lemon. Maaaring ito ay patungkol man sa ating kalusugan, sa pagpapaganda, o ginagamit sa household. Talaga naman na marami pa rin ang natutuklasang gamit ng lemon, at magtataka ka kung bakit dapat na ilagay mo ito sa loob ng iyong kwarto at tabi ng iyong kama o bedside.
Dapat gawin:
1. Hatiin ang lemon sa tatlo.
2. Ilagay sa isang bowl sa tabi ng iyong kama o sa bedside table.
3. Iwanan lamang ito sa buong gabi habang ikaw ay natutulog
4. Ulitin gabi gabi.
Narito at alamin ang nakaka-amaze na naidudulot nito!
1. Isa itong natural insect repellant
Mayroong mga insect repellants na nabibili na ngayon sa mga botika o grocery stores ngunit tiyak na ang mga ito ay naglalaman ng iba’t ibang kemikal na pwedeng maka-iritate sa iyong balat. At kung ang iyong balat ay sensitibo katulad ng sa mga babies, ay dapat mas maging maingat ka. Makakabuti na all-natural ang iyong gamitin.
Ang paglalagay ng hiniwang lemon sa tabi ng iyong higaan ay makakatulong upang hindi ka dapuan ng mga insecto habang natutulog.
2. Nakakapagpatanggal ng stress
Ang stress ay nakakapagdulot ng sleep disturbance o ang hindi pagtulog ng maayos. Sa pamamagitan ng paglalagay ng slices ng lemon sa iyong tabi sa gabi, makakatulong ang citrus scent nito na marelax ang iyong utak at mawala ang stress.
3. Para sa maayos na paghinga
Ang amoy ng lemon ay mild lamang ngunit may anti-bacterial properties ito na nakakatulong sa maayos at mas maluwag na paghinga.
4. Pampakalma at pampababa ng presyon
Ayon sa mga eksperto, ang paginom ng lemon ay nakakatulong sa pagpapababa ng high blo0d. Ngunit alam niyo ba na kapag naglagay kayo ng lemon sa iyong tabi, ang aroma rin nito ay nakakatulong sa pagpapababa ng presyon. Kaya ano pang dahilan upang hindi ito dapat subukan.
5. Pang-purify ng hangin sa loob ng kwarto
Ang lemon ay nakakatulong upang maimprove ang air quality sa iyong kwarto. Hindi lamang ito mabango pero pinu-purify rin nito ang hangin. Mabisa rin itong gawin lalo na kung ang iyong kwarto ay bagong pintura dahil sinisipsip nito ang matapang na amoy ng pintura.
+ There are no comments
Add yours