Mga Sintomas at Senyales na Nagpapahiwatig na Maaring Ikaw ay Buntis!
Maliban sa pagkakaroon ng menstruation o regla, ang pagbubuntis na yata ang pinakamaselang parte ng pagiging babae, kung saan may mga oras na lumalabas nalang bigla ang mga sintomas at senyales nito. Bago mo pa man malaman na ikaw ay buntis, may mga senyales at sintomas kang maaring mraramdaman. Minsan hindi ito agad-agad nararamdaman o kaya naman depende sa iyong katawan. Dati, kapag hindi ka nakararanas ng period o menstration at lumalampas ito sa takdang oras pagsususpetyahan na agad na buntis ka, pero hindi lang iyon ang basehan ng pagbubuntis.
May mga sintomas na matagal magpakita o kaya naman ay maagang lumalabas. Narito ang ilang senyales at sintomas na maaring magsisilbing checklist para sa iyo o guideline para malaman kung buntis ka nga ba o hindi. Ang mga sintomas o senyales ay may pagkapareho sa taong nagkakaroon ng menstruation.
1. Paghahanap ng Pagkain
Sa mga malalakas na amoy ng pagkain sa paligid tulad na lamang ng kape at fried foods, napapalingon ang mga nagdadalang tao. Isa itong sa karaniwang nangyayari sa buntis dahil sa hormonal changes. Kaya naman wag ng magtaka at bigyan sila ng kanilang gusto dahil baka mapunta ito sa pagkakaroon ng mood swings.
2. Mood Swings
Ang kumpol ng hormones sa iyong katawan ang nagpaparamdam ng pagiging emosyonal mong tao kaya naman sa unang trimester pa lamang ng pagbubuntis ay karaniwan na ito. Kaya naman huwag iexpose ang mga buntis sa mga nakakaiyak na bagay dahil minsan ay nakakasama rin ito ng kanilang pakiramdam na nagiging masama rin sa kanyang dinadala.
3. Pagkahilo
Pamilyar naman siguro tayo sa salitang “morning sickness”, ito ay hindi lamang nagaganap sa umaga kundi pati sa gabi. Ito ay kung tawagin normal sa tuwing may nagbubuntis, madalas, ang kanilang pang-amoy ay lumalakas kaya naman nakakaramdam sila ng pagkahilo na may kasamang pagsusuka. Para sa ilang kababaihan, naguumpisa ito ng kasing aga ng dalawang lingo lamang.
4. Madaling mapagod
Sa maagang pagbubuntis nagaganap ang pag-angat ng levels ng hormone ng babae na kung tawagin ay progesterone, at ito ang nagiging dahilan ng antok. Dito rin nagaganap ang pagbaba ng blood sugar levels at blood pressure at siya namang pagtaas ng blood production na nagbabawas ng iyong energy kapag ikaw ay nagdadalang tao.
5. Spotting
Ang pinakaunang mararanasan ng isang buntis ay ang spotting. Dahil sa pag-attach ng fertilized egg cell sa uterus ng babae, nagaganap ang implantation bleeding ng mga 10-14 days matapos ang fertilization. Ang spotting ay mas light ang kulay at mas mabilis mangyari kaysa sa normal na regla. Nagaganap rin dito ang abdominal cramps na kapareho ng menstrual cramps.
Pero hindi lahat ng ito ay nangyayari sa mga buntis, dahil minsan ang iba, buntis na pala hindi naman nakakaramdan ng mga ganitong sintomas. Kaya ang pinakaepektibong paraan upang malaman na ikaw ay buntis ay icheck kung namiss mo ba ang iyong regla, o gumamit ng pregnancy test. Kapag ito ay negative sa unang try, subukan ulit sa sumunod na lingo para maging sigurado kung buntis ka nga o hindi.
+ There are no comments
Add yours