Nakilangoy Ang Mga Divers Na Ito Sa Naitalang PinakaMALAKING White Shark Sa Buong Mundo
Isa sa mga pinaka-kinakatakutang marine animals ay ang mga pating o sharks. Sa buong mundo, marami na ang mga naitalang shark attacks taun-taon kaya naman marami ang mga taong nangangambang lumusong sa tubig kapag nalaman nila na mayroong pating dito.
Ngunit ang nakakaalarma, kahit na marami ang mga taong takot sa mga pating ay pababa na nang pababa ang populasyon ng mga ito dahil ang ibang mga mangingisda ay hina-hunting ang mga ito at ibinebenta.
Samantala, isang grupo ng mga divers ang maswerteng nasilayan at nakapaglangoy kasama ang naitalang “biggest great white shark in the world” na pinangalanan nilang si “Deep Blue.” Nakilala ang pating na ito noong na-feature ito sa National Geographic Shark Week taong 2015.
Naitala na ito ay may sukat na 20 feet, 50 taon nang nabubuhay at bilang largest living great white shark sa buong mundo. At simula noong na-feature ito ay bibihira na lamang nila itong makita ocean.
Ngunit napakaswerte ng dalawang divers na sina Ocean Ramsey at Juan Oliphant nang masilayan muli at makalangoy nila si Deep Blue malapit sa Oahu sa Hawaii. Sila ay mga shark researchers na patuloy inoobserbahan ang mga marine creatures sa Hawaii.
Sa social media account naman ni Ramsey ay ibinahagi niya ang pakonti ng pakonting populasyon ng mga pating o sharks sa buong mundo at nawa’y magsilbi itong eye-opener sa mga tao. Hinihikayat din niya ang pagprotekta sa mga hayop na ito dahil hanggang ngayon ay marami pa rin ang nagsasagawa ng shark fishing at saka ibinebenta ang mga ito upang kainin at gawing shark soup.
Si Ramsey ay isang propesyonal na diver at 15 taong na siyang nakikipaglangoy sa mga ito at pinag-aaralan ang mga pating. Ayon sa kanya, isang challenge pa rin sa kanya kung papaano niya balansehin ang pagtulong sa mga tao upang hindi matakot sa mga pating.
Alam niya na talagang mababangis ang mga hayop na ito dahil mismong siya ay naatake na ng pating. Ngunit hindi ibig sabihin na dapat ay mawala na ang respeto sa mga ito para sila ay parusahan at pagkakitaan.
Bagaman si Deep Blue sa ngayon ang naitalang pinakamalaking white shark sa buong mundo, sigurado na baka mayroon pang mas hihigit sa kanya na hindi pa lamang nadidiskubre. Inaasahan nila na sana ay mas tumagal pa ang buhay ng mga marine animals na ito sa ocean.
+ There are no comments
Add yours