Nakita Ang Foreigner Na Ito Na Pinupulot Ang Mga Nagkalat Na Basura Sa BGC



Nakakalungkot pa rin talagang isipin ang mga nagkalat na mga basura sa ating bansa. At kahit na may mangilan-ngilan lamang na tao na nagmamalasakit upang linisin ang mga mga ito, ay patuloy pa rin ang kabilaang pagtatapon ng mga basura sa paligid. 
Kahit na ipinapatupad ang “tapat ko, linis ko” ay tila ang iba ay wala pa rin talagang pakialam sa waste pollution sa bansa. At hanggang ngayon ay isa pa rin itong suliranin na hinaharap ng Pilipinas.
Kamakailan lamang ng magviral ang isang post ng makita ang isang babaeng foreigner namumulot ng basura sa paligid sa may Bonifacio Global City. 
Sa post ng netizen na si John Mendel Espina, ay ibinahagi niya na nakita niya ang babaeng ito sa may BGC Forum nang papunta siya sa may SM Aura. Malayo pa lang ay abot tanaw na niya ang isang banyagang babae na may dala-dalang plastic bag at matiyagan pinupulot ang mga nagkalat na basura sa may damuhan.

Didiretso na sana ito sa paglalakad patungo sa kanyang pupuntahan ngunit naisipan niyang balikan ang babae at kausapin ito. Noong una ay hindi sigurado si John sa kanyang mga sasabihin ngunit naglakas loob ito na pasalamatan ang foreigner sa pagmamalasakit sa kapaligiran.

Nagpaumanhin din ito dahil nakakahiyang makita na ang isang banyaga pa ang nagmalalasakit at naglilinis ng mga kalat sa paligid. 
Sa kanilang pag-uusap, narito naman ang sinabi ng babae: 
“Well, someone has to do the initiative right?”
Sobrang nahihiya si John dahil hindi man lang din niya ito natulungan dahil sa kanyang pupuntahan. Ngunit nagpaalam ito na kuhanan niya ng letrato at ibahagi ang adbokasiya ng babae at nawa’y maging inspirasyon ito sa ibang tao lalo na sa mga Pilipino.
Kinilala ang babae na si Randi Emilie Dahlen, na taga Norway ngunit ngayon ay na-base na sa Copenhagen, Denmark. 
Sa totoo lang, nakakalungkot at nakakahiya na makita ang mga taga ibang bansa pa na naglilinis sa ating kapaligiran na dapat tayo mismo ang gumagawa.

+ There are no comments

Add yours