Paggamit ng Cotton Buds ay Masama Sa Kalusugan! Bakit? Narito ang Mga Dahilan!
Dahil maliit at malambot ito, feeling natin hindi ito masama, pero kabaliktaran pala ang dulot nito. Ang cotton buds o Q-Tips ay madalas na gamitin sa pagtanggal sa dumi sa loob ng tenga o wax kung tawagin. Dahil sa mga problema ng mga tao at nairereklamo sa mga espesyalista, mas inaadvice na nila na huwag nalang tayong gumamit ng mga cotton buds. Mula punctured eardrums hanggang sa wax na nagsasama sama, maraming mga negatibong epekto ang paggamit ng mga DIY o Do-it-yourself sa paglinis ng tenga.
Makikita sa likod ng ballot ng mga cotton buds ang warning sign na tulad ng “Caution: Do not enter the ear canal with this product. Penetrating the ear canal could lead to injury.” At kung ayaw mong maniwala pero meron ka nito, ikaw na mismo ang tumingin. Narito ang apat na dahilan kung bakit ng aba dapat itong iwasang gamitin.
1. Tinutulak nito ang Earwax Papuntang Eardrum
Mapanganib ang paggamit ng cotton buds dahil kapag pinipilit mong alisin ang kung anumang bagay na nasa loob ng iyong tenga o ear canal, maari nitong maitulak ang mga earwax hanggang sa eardrums na maaring magkaroon ng hindi magandang epekto o impact. Dahil sa impact na ito, maaring magkaroon ng hearing loss ang isang tao.
2. Ang sobrang pag-alis ng earwax ay nagiging sanhi ng pagkatuyo
Hindi man masyadong halata o hindi man natin alam na ang earwax ay may antibacterial at lubricating qualities, kaya naman kapag inalis mo ito, makakaramdam ka ng makating feeling at maaari ring pasukan ng iba’t ibang imp3ksyon.
3. Ang Earwax ay Kapaki-pakinabang
Minsan nakakadiri pero madalas kapaki-pakinabang. Meron itong mga antibacterial qualities kahit na minamaliit natin ito at inaalis sa ating tenga. Nakakatulong rin ito sa pagpigil ng sa mga pumapasok na imp3ksyon sa katawan. Ito ang nagsisilbing parang insect repellant para pigilang pumasok ang mga insekto sa loob ng tenga.
4. Kusang natatanggal ang Earwax
Hindi na kailangang araw-arawin pa ang paggamit ng cotton buds dahil ang earwax na mismo ang kusang nagtatanggal ng kaniyang sarili sa loob ng tenga. Ang normal na paggalaw ng panga sa paguusap, pagkain, at paghikab ang nagtutulak palabas ng earwax sa ating tenga. Ang kailangan na lang gawin ay paglinis ditto sa pamamagitan ng cloth pagkatapos mag-shower.
May mga professionals na maaring makatulong sa iyo kung may problem ka naman sa iyong tenga kaya wag mag-alala ay bisitahin nalang sila. Dahil mas magandang magtanong sa kanila at ipalinis ang ating tenga para naman hindi tayo mangamba na baka mawala ang ating pandinig.
Why does my right ear is iching? And something that there is have ear wax