Pagmumog Ng Tubig Na May Asin Para Sa May Mabahong Hininga!
Ang pagkakaroon ng bad breath o mabahong hininga ay isang karaniwang problema ng mga tao. Ang pagkakaroon nito ay may kaakibat na ibig sabihin na hindi ka nagiging malinis at maaari rin namang mayroong problema sa iyong oral tract.
Ang epekto ng bad breath ay maaari ring maka-impluwensya sa ating self- confidence at maging ang pakikitungo natin sa ibang tao. Upang masolusyonan ang problemang ito, kailangan mo lang ay asin at isang basong tubig. Narito ang mabisang epekto nito!
1. Panlaban sa singaw
Ang singaw o tinatawag rin na ulcer o canker sore ay isang problema na tumutubo sa ating oral cavity. Ang mga ito kahit na maliit ay napakahapdi. Hindi pa talaga matukoy kung bakit na lamang lumilitaw ang mga ito, ngunit maaari mong mapagaling at mapawala ito ng mas mabilis kung magmumumog ng tubig na may asin. Nakakatulong pa ito sa pag-iwas ng pagdami ng bakterya sa bibig.
2. Pinapanatili ang natural na pH
Bukod sa pagkakaroon ng imp*ksyon sa bibig, ang pagkakaroon ng mataas na acidity sa bibig ay isang dahilan na nakakapagdulot ng mabahong hininga. Ang natataning paraan upang mabalanse ang acidity ng bibig ay ang pagme-maintain ng natural na pH level nito. At ang tubig na may asin ang makakatulong dito!
3. Pampatanggal ng mucus o plema
Ang mucus ay nabubuo kapag nagkakaroon ng sipon o ubo. Ito ay may kasamang bakterya na pwedeng makapagdulot ng pagbaho ng hininga. Kaya nararapat na mailabas at matanggal agad ang plema upang hindi mag-accumulate ang bakterya. Buti na lamang ang murang paraan upang matanggal ito ay ang pag-gargle ng tubig na may asin.
4. Panlinis sa bibig
Isa sa mga benepisyo ng pagmumog ng tubig na may asin ay magagamit ito bilang isang natural na mouthwash. Sa katunayan mas maganda pa ito sa mga mouthwash na mabibili sa merkado dahil wala itong ibang halong matapang na kemikal. Ang asin ay may natural na anti-bacterial properties na tulad sa mga mouthwash.
5. Panlunas sa sore throat
Ang sore throat ay maaari ring pagmulan ng bad breath. At isa sa mga pinakapopular na remedyo dito ay maligamgam na tubig na may asin. Maaaring magmumog nito upang mapahupa ang makating lalamunan at maiwasan ang naidudulot nitong sintomas tulad ng bad breath.
6. Panlunas sa tonsillitis
Ang pamamaga ng mga tonsils ay nakakapagdulot ng pagsak!t ng lalamunan at kahirapang paglunok. Napaka-unkomportable ng pakiramdam na ito. Bukod sa sak!t ay maaari rin itong magdulot ng mabahong hininga. Kaya bago pa lumala ang pamamaga ay agapan na agad ng pagmumog ng tubig na may asin.
+ There are no comments
Add yours