Pinakuluang Saging: Solusyon Para sa Mga Taong Hindi Makatulog! Alamin kung Bakit at Paano!
Nasubukan mo na bang gumawa ng iba’t ibang recipe gamit ang saging? Tulad na lamang ng banana shake, okaya naman banana split, at marami pang iba. Kung isa kang fan ng saging narito ang magandang paraan para naman mapakinabangan mo ito. Dahil hindi lang simpleng kinakain ito kundi marami rin pala itong benepisyo sa ating katawan.
Minsan ang sanhi ng ating hindi pagkatulog ay ang depr3sy0n, sobrang pagiisip o mga iniinom nating gamot ayon sa mga sleep experts. Pero narinig mo na ba ang salitang banana tea o ngayon lang? Katulad mo rin ba ang ibang tao na hirap na hirap sa pagtulog sa gabi dahil sa maraming iniisip? Na takot kung ano man ang mangyayari bukas kaya naman nasosobrahan ang pag-iisip at hindi na makatulog? O baka naman pagod ka na pero kahit anong ikot mo sa kama at ilang bilang ng mga tupa ay hindi ka pa rin makatulog? Banana tea lang ang solusyon dyan! Imbes na uminom ng sleeping peels narito ang natural remedy na maaari mong inumin.
Ang saging ay puno ng potassium na nagpaparelax sa ating muscles at magnesium na nakakatulong sa pagiwas sa mga bagay na hindi tayo pinapatulog na tulad na lamang ng str3ss. Maniwala ka man o hindi na kapag pinagsama ang dalawang ito, makakabuo ng solusyon para makatulog tayo ng maayos at wala ng iniisip na problema.
Napakadali lang nitong gawin dahil ang kailangan mo lang ay saging, tubig at kaunting cinnamon. Balatan lang ang saging at hiwain ito sa dalawa o sa kung anumang nais na hiwa at saka ihalo sa kumukulong tubig. Iwan ito sa loob ng 10 minutes. Pagkatapos gumamit ng pansala para mahiwalay ang saging sa tubig. Para malagyan ng lasa, ihalo na rin ang konting cinnamon dito. Inumin ito isang oras bago matulog.
+ There are no comments
Add yours