Repolyo: Tinaguriang Isang Halamang Gamot na Mayroong 6 na Benepisyo sa Ating Kalusugan




Sa pagkakaalam natin, ang repolyo ay  isa sa mga pinakakaraniwang gulay na kinakain ng mga Pilipino, minsan pangginisa, pangchopseuy o kaya naman pang pansit bihon. Ang repolyo ay bilugan na gitna ng halaman kung titignan. Karaniwan itong tanim sa malalawak na taniman sa matataas na lugar sa Pilipinas kagaya ng Benguet.
Ito rin ang ginagamit kung gusto mong magkaroon ng balance diet sa ngayon dahil sa mga nilalaman nitong sustansya at kemikal tulad na lamang ng sulfur, alkaloids, amino acids, carbohydrates, flavonoids, glycosides, phenols, proteins, saponins, steroids, tannins, at terpenoids, Vitamin A, B, at C. Pwede rin gamitin bilang lunas sa mga s@k!t ang dahon ng repolyo.

ANO NGA BA ANG BENEPISYO NITO SA KATAWAN?

1. Pinapalakas ang resistensya
Sa mga sustansyang nilalaman nito, lahat ay tumutulong upang palakasin ang ating immune system. Sa tulong ng repolyo nalalabanan ng katawan ang mga impeksyon na maaari nating makuha kung tayo ay madalas sa labas ng bahay at mga s@k1t na nakakahawa.
2. Mabuti para sa utak
Ang repolyo ay naglalaman rin ng vitamin K na responsible sa paggana ng utak at nagpapabuti ang konsentrasyon. Natututlungan rin tayo nito na iwasan ang pamiminsala ng ugat sa utak.
3. Nilalabanan ang k@ns3r 
Nilalabanan ng sustansyang  nasa repolyo ang mga carcinogens na kung saan tinatawag na substance na nagiging sanhi ng c4nc3r sa living tissue. Ang sustansyang lumalaban sa mga ito ay ang phytonutrients at glucosinolates na nilalaman ng repolyo.

4. Tumutulong upang ihinto ang labis na pagdurugo
Hindi lang utak ang kayang paganahin ng vitamin K, kundi ginagamit rin ito sa pag-clot ng dugo kaya naman sa oras na nagkaroon ka ng sugat, o may dumudugo sa iyong katawan, kumain lamang ng repolyo para mabawasan ang pagdurugo.
5. Nagpapababa ng Timbang
Ang repolyo ay isang mabisang pampawala ng timbang dahil mababa ito sa calories. Subukan mo ang fad diet kung gusto mong magpapayat, na kung saan ang kakainin mol ang ay cabbage soup sa loob ng pitong araw at puwede rin namang kumain ng prutas, gulay , beef, chicken, brown rice ayon sa nakasaad na schedule.
6. May anti-aging properties
Isa sa benepisyo nito sa kalusugan ay ang Anti-Aging. Dahil sa angkin nitong Vitamin C, napapanatili ang ating balat sa maganda nitong kaanyuan at pinapanatili ang balat na malusog at mukhang pangbata. 


+ There are no comments

Add yours